KANINO BAWAL ANG PAPAYA? Sino di dapat kumain ng papaya?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Oo naman, isa sa pinaka-masustansiyang prutas ang papaya. Nakakatulong pa nga ang papaya panlaban sa maraming sakit, katulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes, at cancer.  Di naman natin pinagkakaila yun.

Pero maraming di nakakaalam na posibleng makasama sa kalusugan ang papaya sa iilang mga tao. May mga tao kasi na kelangan iwasan ang papaya, dahil sa kondisyon ng kanilang katawan. Alamin kung sinu-sino ito o kanino ito bawal:
 
1.    Mga taong may sakit sa bato o kidney stones
Mayaman sa Vitamin C ang papaya. Masustansiya ang vitamin C sa antioxidant, ngunit kapag napasobra ito, maaaring makapagpalala sa mga taong may kidney stones. Dahil ang sobrang pagkonsumo ng Vitamin C ay maaaring makadulot ng pagbuo ng kidney stones. Posible ring makapagpalaki ito ng kidney stones, kaya’t maaaring mahirapan dumaan ang ihi.
 
2.    Mga taong may irregular na heart beat o pagtibok ng puso
Nakakatulong ang papaya mapababa ang tsansang magkaroon ng sakit sa puso. Ngunit kapag mayroon ka nang irregular heartbeat, mas mabuting iwasan ang papaya. May pagaaral na nagsasabi na mayroong kaunting mapanganib na compound ang papaya, na maaaring makapagpalubha sa irregular heartbeat kapag napasobra ang nakain mo.
 
3.    Mga taong may Hypoglycemia
Nakakabuti daw ang papaya sa mga taong may diabetes, dahil nakakababa ito ng blood sugar level. Ngunit sa mga taong may low blood sugar o tinatawag na hypoglycemia, maaaring makasama ito. Dahil ang ang papaya ay may sangkap na nakakababa ng glucose, at maaaring bumaba sobrang ang blood sugar ng mga taong may hypoglycemia. Posibleng makadulot ito ng pagkalito, panginginig at mabilis ng pagtibok ng puso.
 
4.    Mga buntis
Ang di hinog na papaya ay may sangkap na latex na maaaring mag-udyok ng paghilab ng tiyan sa mga buntis, na humahantong sa maagang panganganak o panganganak na kulang sa buwan. Kaya’t mabuting iwasan ng mga buntis ang pagkain ng di gaanong hinog na papaya.
 
5.    Mga taong may allergies
Ang mga taong may allergy sa latex ay maaaring may allergy din sa papaya. Nangyayari ito dahil may sangkap na enzyme ang papaya na tinatawag na chitinases. Maaaring magkaroon ng reaksyon ang latex at ang pagkain, na posibleng makasanhi ng pag-bahing, kahirapan huminga, pagubo at pamamasa ng mata. May mga tao rin na nasusuya sa amoy ng papaya.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.