Thanks for your input, Rendy. And I agree, in part, with what you said.
First, kailangan malaman kung saan nangyari ang transaction. Ito bang pagkaka-utang ay sa Pilipinas ginawa? Kasi, ang mga batas ng Pilipinas ay sasaklaw sa kasunduan kung ito ay dito ginawa sa Pilipinas. Kung halimbawa, ang utang ay through credit card at ang credit card ay issued in the Philippines, yung terms and conditions noong credit card ang mag-a-apply. Usually, the terms and conditions of the credit card say that the laws of the Philippines will apply. So, kahit yung credit card ay ginamit to purchase things on credit (utang) abroad, still the laws of the Philippines will apply.
Second, kung halimbawa ang pagkaka-utang ay may kasulatan, ang kasulatan ang magde-determine ng liability ng nangutang na hindi nag-bayad kasi, a contract is a law between the parties. So, halimbawa, kung nakalagay sa kontrata ng pagkaka-utang na kaya pinautang ay dahil sa may ipinangako ang nangutang at iyong naman palang ipinangako ay non-existent or false, then, kahit na contrata lamang ito ng pagkaka-utang, may misrepresentation na involved.
At kapag may misrepresentation involved, may posibilidad na bukod sa demanda para bayaran ang principal amount ng loan plus interest at plus damages, baka mayroon ding criminal liability. Depende na lang sa nagpa-utang.
Third, usually, ang mga pinag-ka-utangan, magpa-file ng criminal case para matakot ang nangutang at mapilitang mag-bayad. Pero, pag nagbayad naman, amenable naman silang i-atras ang demanda.
Maski sa bouncing checks, usually, may criminal complaint for bouncing checks. Pero, kahit nagbibista na, kung ire-redeem ang mga check (bayaran isa-isa ang mga cheke) maiaatras isa-isa ang mga counts ng bouncing check.
Sayang at hindi detalyado ang tanong mo, kaya, general lang ang sagot na maibibigay namin dito.