Nangangasiwa ng bukid, hatiin ang bukid sa magkakapatid, mahirap na trabaho, di tinanong desisyon pumirma

James Dela Cruz
is a farmer in the Philippines

Ako si Wilson Dela Cruz, taga San Miguel, Bulacan. Ako po ay isang magsasaka. Anim po kaming magkakapatid. Mayroon po kaming dalawang ektaryang bukid na gusto ng hatiin ng aming magulang. Ngayon po pinasukat na po at pinartition, kaya lang di po nila ako tinanong kung ano ang desisyon ko bilang nanganga siwa ng bukid.

Binigyan naman po nila ako ng share, kaya lang nasa gitna at medyo mahirap ibenta. Ang palaging sinasabi ng kapatid ko sila daw nag bayad ng pang pa partition ng bukid. Payag naman po ako kaya lang parang di tama na ibigay ko nalang basta at pumirma sa gusto nila.
Ngayong ako ang naghirap ng maraming taon sa bukid at dumanas din ako ng maraming lugi at nag ka utang-utang pa ako sa bukid dahil di umaani minsan ng maganda. Habang sila pinili nila yung madaling trabaho. Kaya ang estado ng buhay naming magkakapatid

ako yung pinakamahirap. May laban po ba ako dito? Salamat po attorney

1 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang isang lupang hahatiiin sa mga magkakapatid ayon sa kanilang pamana ay isang co-ownership habang ito ay hindi pa napa-partition. Kasi, ang unang gagawin ay iyon lamang pag dedeklara ng hatian (shares, 1/6 bawat isa sa 6 na magkakapatid). Ngayon, since ikaw ang nangangasiwa, kung ikaw ay hindi binayaran ng iyong suweldo bilang tagapangasiwa, may karapatan kang hingin na ikaw ay bayaran muna ng iyong mga kapatid noong iyong nagastos para sa lupang ito noong panahong hindi pa ito nai-babaha-bahagi sa inyo.

Kung may mga resibo ka noong iyong binayaran (kunwari sa pagpapa-bakod, sa pagbili ng palay, abono, pambayad sa buwis, sa amelyar, etc.) dapat ay bigyan mo sila ng kopya at ikaw ay bayaran nila para sa iyong serbisyo dahil sa inalagaan mo ang lupa para buo ito at matiwasay na mailipat sa inyong pagmamay-ari.

Pero, hindi mo puedeng ipilit na lupa din ang ibayad sa iyo. Ngayon, kung may reklamo ka sa lugar na napunta sa iyo sa hatian, dahil sa ito'y nasa gitna, ikaw naman ay may karapatang humingi ng tinatawag na right-of-way para ikaw ay makaraan mula sa iyong bahagi patungo sa kalsada. At hindi maaaring ikaw ay tanggihan.

Sa totoo, hindi dapat magkaroon ng partition ng lupa kung walang extra-judicial settlement of properties muna. Doon sa extra-judicial settlement dapat ilagay na ikaw ay may claim para sa reimbursement ng iyong mga gastos doon sa pangangasiwa noong lupa.

Kumuha po kayo ng abogado. Kailangan ninyo ng abogado upang kayo'y lubusang mapayuhan at nang ang inyong mga karapatan ay lubusang ma-protektahan.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.