Ang mama at papa ko po ay kasal sa huwes at nagpakasal din sa simbahan. Tatlo po kaming magkakaptid. Namatay po ang papa ko noong 1995. After 10 years po, kung di ako nagkakamali, ang mama ko po ay nagasawa uli pero sa isang Italian. Sa Italy din po nagpakasal at nagkaroon sila ng isang anak. Ngayon po ang tanong ko, may karapatan po ba ang nanay ko sa lahat ng ari-arian ng aking papa?
Kasi ang sabi niya sa akin legal din daw ang kapatid ko (yung anak niya sa iba) kaya kahati din daw namin siya sa ari arian ng aking papa. Ang bahay po at lupa ng tinitirikan ng aming bahay ay nabili ni papa. Alam ko pong conjugal yun. Paano po ung mga properties ni papa na namana niya at yung mga lupa sa lolo ko (father side) na hindi pa nahahati? May karapatan pa din po ang mama ko noon pati ang anak niya? Salamat po ng marami.