Wala po akong kilalang Attorney, kung pwede ikaw ang maging atty para mapawalang bisa kasal

Myr De Guzman
is in United States

Atty. Bimbi wala po akong kilalang Atty. kung pwede ikaw ang maging atty. ko.


Gusto ko pong ma annul ang kasal ko. Sa simula palang labag na sa kalooban ko ang pag pakasal ko sa asawa ko. Kung hindi lang sa biyanan ko hindi ko gagawin ang kasal ko dahil sa anak ko maging illegetimate hindi sila pumayag kung hindi masunod ang kanilang apelyedo kaya ko ginawa ang magpakasal sa Pasay City Hall.

2001 kami pumunta sa Pasay City hall kasama ang birth certificate ng anak ko para maayos na ang lahat, at the same year na diskubre ko rin na may babae ang asawa ko. Ilang bisis kuna siyang nahulian noon ng sulat galing sa babae denideny niya pagkatapos kong mabasa kukunin niya at pupunitin tapos sasabihin hindi totoo, at yung huli niyang ginawa yung sulat doon niya inilagay sa mismong drawer namin sadyang ipinakita niya sa akin. Itinago ko at ipinabasa ko sa ate at binigay ko sa biyanan ko para hindi na siya maka deny sa akin.

Simula noon pinagsisihan ko na ang mga disisyon ko nag makasal sa kanya hanggang ngayon, halos lahat ng bagay hindi kami magkasundo. Tiniis ko siya, minsan na niya akong sinaktan phisical noon buntis pa ako at gusto niyang ipalglag ang bata. Ako ang natakot noon baka mamatay ako pag ginawa yun pinipilit ko parin maisalba ang pagsasama namin. Siya po ay seaman nag simula po 2008 marami ng nagbago minsan narin akong na infiction sa kanya nagkaroon po ako ng (GONOHREA) kahit minsan lang ngyari sa amin, sinabi ko sa kanya hindi siya umamin, at mula noon wala na kaming sexual hanggang ngayon tuwing umuuwi siya hindi na kami nagtatabi, at palagi niyang sinasabi na maghanap na ako ng kagaya ko. Noon hindi ko sinesiryuso pero noong nakaraang uwi niya pinagmumura niya ako at sinabi na maghanap na ako at pinamumukha niya palagi na wala akong silbi. Yun lang po ang hindi ko napigilang ang sarili ko tumakbo po ako sa kapitbahay ko at umiiyak. Gusto ko pong mag move on kasama maipawalang bisa ang kasal ko. Ano po ba ang una kong gawin at saan ako mag umpisa?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una, hindi ako puwedeng maging abogada mo. Kasi, ni hindi ko alam kung ikaw ba ay nasa Pilipinas. Pangalawa, ako ay matatanggalan ng lisensiya dahil sa bawal sa mga abogado ang mangalap ng mga kaso gamit ang mga advertising sa media. Ako ay tagapag-bigay lamang ng impormasyon patungkol sa batas.

Naku, nakakalungkot naman ang iyong kuwento. Kailangang ikaw ay pumunta sa isang abogadong malapit din diyan sa inyo kasi, kung hindi, babayaran mompa ang pamasahe sa eroplano or dimkaya'y ang pang-gasolina ng abogado.

Maari ka ring humingi ng tulong mula sa mga grupo katulad ng Gabriela or kaya'y sa Integrated Bar of the Philippines. Marami silang abogadong mahuhusay na makakatulong sa iyo.

Ang ginagawa ng iyong asawa ay abuse. At ito ay maaaring maging grounds mo for an annulment. Maghanap ka ng abogadong malapit sa inyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.