Walang middle name ang bata, dahil inapelyido sa nanay ang baby

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano ang gagawin ko po o mga requirements to change my daughter's last name?


Kasi po ganito yun: Nung nasa ospital po kami noong 2011, ang ginamit na apelydo niya ay sa totoong tatay nya. Tapos nung hinahanp ng ospital ung tatay para pirmahan ung b.c pero sinbi ko na wala po. So nag decide po ako na iapelydo na lang sakin.


Ang kinalabsan po ay walang middle initial ang birth certificate nung bata. Ang ngyare late registration na sya at naasikaso o sa Manila city hall nung September 2015. Pero nung June 2016, kumuha ako ng NSO ay wala pa din record.


Ang gusto ko po sana ngayon ay maiba ung last name nung bata dahil may iba na po ako kinakasama ngaun at 3 1/2 years na po kami magksama at may balak na magpakasal para maging apelyido nung bata ung magiging tatay nya ngaun. 5 yrs old na po ang bata ngaun at gusto kong maging legitimate na po siya at may ilagay ko na po siya sa mga benefits ko tulad ng SSS, Pag ibig at Philhealth.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, napa-masalimuot ng inyong tanong.

Una, sabi ninyo, gumawa kayo ng birth certificate noong nasa ospital. Inilagay ninyo ang pangalan ng tunay na ama (biological father) pero wala ang ama, so, isinunod ninyo sa inyong pangalan ang bata.

Tapos, sinabi ninyo na -late registration ang bata. Akala ko ba'y sa ospital pa lamang ay nagpasya na kayong ilagay na lamang sa pangalan ninyo ang bata? Paanong maipa-late registration ninyo ang batang rehistrado na sa inyong pangalan? Magulo ang inyong kuwento.

Tapos, sabi din ninyo, nagcheck kayo sa NSO, walang record? Ibig sabihin ay hindi talaga rehistrado ang bata.

So, ngayon, gusto ninyo na ang bata ay ipangalan sa kinakasama ninyo. Hindi po ito puede, kung sa ilalim ng batas. kasi po, hindi naman anak noong kinakasama ninyo ang batang iyan. Hindi siya legitimate niyang anak. Hindi din siya illegitimate niyang anak. Siya ay hindi niya anak sa kahit na anong paraan.

Kapag siya'y irehistro ninyo sa pangalan ng inyong kinakasama sa ngayon, ito po ay isang kriminal act -- ito po ay simulation of birth. Kapag ipinarehistro ninyo ang bata muli, ito ay falsification of public document.

Kung ang bata po ay iparehistro ninyo sa pangalan noong inyong kinakasama, at iyon pala'y naging milyonaryo iyong biological father noong bata, at wala siyang ibang tagapag-mana kundi ang inyong anak, eh, di, hindi siya makakapag-mana doon sa biological father niya dahil nga sa ipinangalan ninyo siya doon sa kinakasama ninyo. Nakita po ba ninyo?

Ang maaari ninyo pong gawin ay ampunin sa kaparaanang legal noong inyong kinakasama ang bata matapos na kayo'y magpakasal na. Sa gayon, kung siya'y ilalagay bilang beneficiary sa SSS, Philhealth, at Pag-ibig, tiyak na matatanggap niya ang mga benefits dahil sa siya'y considered na legitimate heir noong kinakasama ninyo.

Kung malaman ng mga SSS, Philhealth at Pag-ibig na peke ang birth certificate ng bata, hindi siya maaring maging beneficiary.

Bago po kayo kumilos, pag-isipan ninyo munang maigi ang inyong gagawin, alamin ang lahat ng mga facts (palaisipan sa akin kung bakit wala sa NSO kung naipa-rehistro na ninyo ang bata). Higit sa lahat, komunsulta muna sa abogado bago kayo kumilos at nang hindi mabulilyaso ang kilos.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.