Gusto ko lang po sana humingi ng tulong na legal kung paano ko mao-obliga ang dati kong asawa na magsustento sa aming anak.
Taong 2012 pa po kami hiwalay ng dati kong asawa at ako po ay nagpasya mag-abroad habang sya naman ay nasa Pilipinas lang at dun nya napili magtrabaho. Sa panahon na yun, ako lahat nagsusuporta sa mga gastusin ng aming anak at kung minsan nagbibigay sya ng 2000 pesos para sa 2 bata.
Taong 2015 nagkausap kami at sinabihan ko sya na dapat tulungan nya ako sa gastos ng 2 bata. Sa ngayon nagbibigay na sya ng 4500 para sa 2 bata na tinatanggap ko na lang mas mabuti sa wala. Nayon po sinsabi ng anak ko na nag-abroad na din ama nya at nagmessege ko sa kanya at sinabi ko na paghatian na namin ang gastos ng 2 bata dahil pareho na kami sa abroad, dahil sa totoo lang po sobrang laki ng gastos sa maga bata sa kanilang pagaaral at pangaraw araw na gastos. Sa punto pong yun pag sustento na hindi sya nakikipagusap sakin.
Kaya po sana gusto ko humingi ng payong legal mula sa inyo. Sa ngayon ang kanyang ina ang pinapadalhan nya ng pera. Ano po kaya pede ko gawin para legal na maobliga sya magsustento sa mga anak namin at ipadala yung pera sa pangalan ng anak ko kasi po uuwi ako ngaun March sa Pinas at ipago-open ko ng account ang anak ko para dun sya magpdala.
Tsaka nga po pala attorney, gusto ko din po itanong sa inyo paano po kaya ako mag-file ng annulment sa Pinas kung pareho kami nasa abroad? May paraan po ba para mpawalang bisa kasal namin kung pareho kami wala sa Pilipinas?
Maraming Salamat po.