Good Day Attorney, ask lang po sana ko ng advise if paano po magfile ng annulment for my husband. Separated po kami ngaun ng 9 months dahil sa mga grounds. Ayoko na po kasi makipagbalikan sa kanya dahil ilang beses ko na siyang pinagbigyan. we are 7 years in marriage at yearly po lagi po akong umaalis ng bahay at umuuwi sa amin dahil sa mga pamamahiya at pananakit niya sa akin mula sa trabaho maging sa inuupahan naming bahay. Kaya yearly ay lumilipat din kami para hindi na kami pag-usapan. Gusto ko po sana na tuluyan nang makipaghiwalay sa kanya para kung sakaling gusto ko na ikasal ulet sa iba ay wala na pong magiging problema. Meron po akong boyfriend ngayon, british indian and nakabase siya sa dubai, pakitulungan naman po ako if ano po ang mga dapat kung gawin para matapos na at magkaroon na rin kami ng maayos na buhay pareho. Hanggang ngayon kahit separated kami lagi niya akong sinusundan sa trabaho. Meron po pala kaming dalawang anak. 7 ung girl at 2 years old ang boy. Salamat po.
Topic: I would like to ask how to file annulment of marriage with my husband. We've been separated for 9 months now, and we've been married for 7 years. Every year I go back to our house because of the embarrassment that he causes. So we often move to a new home to avoid being talked about by neighbors. So I want to be legally separated and annul our marriage. This is so that I can also move on to another relationship. I have a boyfriend now, he is a British Indian and he is based here in Dubai. Please help me what I should do. We have 2 kids, one 7 year old girl and a 2 year old boy.