Na-disable ang kapatid, iniwan ng asawa, gusto ampunin ang mga anak

Agnes Briones
is a Housewife in United States

Ako po si Agnes. May kapatid po akong disabled at may anak na 2 babae: Isang 6 years old at isang 4 years old. Simula ng naaksidente po ung kapatid at naging disabled iniwan na po siya ng asawa nya pati mga anak nya. 1 year na pong hindi nagpapakita sa mga anak nya ung hipag ko at hindi rin po nya sinusuportahan ung mga anak nya kahit na may trabaho siya.

Gusto ko po sanang ampunin yung pamangkin kong 6 years old. Paano po ba ang dapat kong gawin? Payag naman po ung kapatid na ampunin ko yung anak nya. Ang problema po yung nanay ng pamangkin hindi na po nagpapakita sa amin. Kasalukuyan po ako ngaun nakatira sa Japan may 2 anak at ang asawa ko rin po ay Filipino at payag naman siyang ampunin namin yung pamangkin ko, gawa kami rin naman po ang nagsusuporta sa pamangkin ko, dahil hindi na po sila kayang buhayin ng kapatid ko. At wala naman cyang trabaho at yung kapatid ko na rin mismo ang nagpapampon sa anak.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang parental authority ay isang natural na karapatan ng isang magulang. Ang parental authority ay puedeng i-surrender or i-waive ng isang magulang formally, kung pipirma siya ng consent for adoption. At puede din itong i-waive ng ina kung iwanan niya ang mga anak niya, hindi na siya magpa-kita at hindi na niya padalhan ang mga ito ng suporta lalo na kung hindi naman OFW ang ina at narito lamang sa Pilipinas. Kung halimbawa'y hindi na man lamang siya nagte-text, hindi tumatawag, hindi nakikipag-chat or nag-e-email sa kanyang mga anak.

Ito ay mga patunay na ang mga bata ay abandoned na ng kanilang ina. Ngayon, dahil sa ikaw ay blood relative ng mga pamangkin mo, ikaw ay may karapatang mag-ampon sa kanila kung ikaw ay hindi disqualified. Halimbawa, kung ikaw na ang nagpapa-kain, nagbibihis, nagpapa-aral at total na sumusuporta sa kanila, ikaw na ang talagang tumatayong ina nila kahit na malayo ka pa. Lalo na kung ikaw din ang sumusuporta sa iyong kapatid na kanilang ama dahil sa siya'y na-disable.

Ikaw ba ay married? Ikaw ba ay may mga anak din na sarili mo? kasi, kung meron, kailangan mo ng consent ng iyong husband at ng iyong mga anak. At kailangan na ang social at child services sa Japan ay makipag-ugnayan sa inyo para gumawa sila ng recommendation na kung ikaw ay mag-aampon ng bata, hindi kayo mamumulubi at magiging alagain ng gobyerno ng Japan. Kung kailangan mong dalhin sa japan ang mga bata, kailangan ay may sapat kang lugar para sa isang bata. kailangan ay may trabaho kang permanente para suportahan ang bata. Kung hindi mo naman dadalhin ang bata para tumira kasama mo sa Japan, bakit mo pa kailangang ampunin ang bata? Puede namang magpa-dala ka na lamang sa kanila ng regular para sa kanilang sustento.

You will need to file a petition for adoption. You will need a lawyer. You will also have to check because if you are married to a Japanese citizen, this will be under Inter-country adoption. Kung hindi ka married, actually, medyo kailangan mong i-justify ang intention mo to adopt kasi, kung wala kang asawa, kung ikaw ay magkasakit o mabalda, sino ang titingin sa bata? Usually kasi, couples and families are prioritized in inter-country adoption. Ang mga single, medyo, dumadaan sa butas ng karayom dahil sa may mga pedophiles at mga human traffickers na nananamantala ng adoption process.

Ang pinaka-malakas mong dahilan para mag-ampon ay, ang mga magulang ninyo ay matanda na, may sakit at hindi na kaya pang mag-alaga ng bata. Ang kapatid mo ay ganoon din. Kaya, obligasyon mong ampunin ang isa sa iyong mga pamangkin para mabigyan ito ng mas maganda-gandang kinabukasan.

Please get a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.