Ano magandang gawin dahil kinasuhan ako ng ex partner ko about child support dahil yun lang naman ang maari nya ikaso sakin?
Nong una po hindi ako nag bibigay ng support sa kanya dahil umalis siya sa bahay namin dahil sabi ko sa kanya pag siya umalis hindi ko siya susuportahan pati ang bata. Pero umalis pa din sya. Hindi po kami kasal.
Ngayon nong bumalik po ako ng ibang bansa nagbigay ako sa kanya ng pera ibinili ko ang bata ng mga gamit nya binigyan ko sya ng pera every week para sa bata. Then isang araw merun kami hindi pinagkasunduan. After 1 week nanghihingi sya ng pera sa akin pang bili daw ng gatas. Wala na po ako maibigay sa kanya dahil wala na ako ng pera kaya nanghiram ako sa mother ko ng pera ipadala sa kanya.
Then after 1 week nanaman nanghingi nanaman ng pera wala na po ako maibigay sa kanya. Then after 1 week tinawagan nila agency ko na ipapa hold daw ako sa immigration then verified ko yun kinasuhan nga ako pero wala pa dumadating sa akin subpeona hindi pina process ng agency ang papers ko dahil sa kanilang papanakot.
Maari ko ba din sila kasuhan sa ginawa nila or maari ko ba gamitin dahilan yun kaya hindi na ako makapag bigay sa kanila?
At isa pa po tanong: Paanu ko dedefence ang sarili ko dahil wala naman ako resibo nagpapatunay na nagbibigay ako sa bata dahil binibigay ko yun ng personal sa kanya?