Hindi kayo marahil kasal noong aa noong anak mo? Ganito kasi iyon. Ang bata ay may karapatang taglayin ang apelyido ng kanyang ama kahit hindi kasal ang ama niya sa kanyang ina -- basta't ang bata ay tinatanaw ng ama na kanya, he is a recognized illegitimate son or daughter. Kaya may karapatan ang batang ilagay at gamitin niya ang apelyido ng kanyang ama. Sa likod ng Birth Certifixate, Mayroong Affidavit of Recognition. Kung sa pagka-panganak ng bata'y alam at tanggap siya noong kanyang biological father, dapat ay pumirma ang tatay niya noong Affidavit of Recognition.
Kaso, kung matapos nang i-rehistro ang bata sa NSO, saka pa lamang siya na-recognize ng tatay niya, kailangang dumulog sa husgado upang ang recognition ng ama noong kanyang ilehitimong anak ay patunayan. Husgado na lamang ang mag-uutos sa NSO na itama ang mga record noong bata to reflect ang karapatan niyang taglayin ang apelyido ng kanyang ama.
Hindi kasii piedeng simpleng correction lamang of entry na hindi na dadaan pa sa husgado, kasi, ang mga dinidinig ng NSO mismo ay mga clerical errors lamang. Wari ay ang pangalan ng bata ay "Jose" ngunit nagkamali ang nag type ng certificate at nailagay ay "Juse" --ang mga pagkakamaling ganito ay puedeng NSO na ang magtama. Pero, iyong sa iyo kasi, may mga karapatan ang bata at ang kanyang status as a recognized illegitimate child, pato na ang karapatan niyang mag-mana sa kanyang biological father ay nakasalalay sa recognition ng paternity ng ama. So,, sa husgado ito.
Iyon din, nakasalalay ang karapatan noong bata sa monetary support mula sa ama. Pero, ang hindi alintana ng marami ay kapag recognized ng ama ang bata, may karapatan din ang ama ng bata sa pagpapalaki ng bata, may parental rights siya. Kung tumama ang bata sa lotto at biglangyaman noong bata, dahil sa recognized siya ng ama niya, tagapagmana niya ang ama niya. Kung mag-aartista ang bata at kikita ng limpak-limpak na salapi--may karapatan ang ama na i-managa ang assets noong anak niyang menor de edad. Kung biglang bawian ng buhay ang bata (huwag naman sana,, halimbawa lamang), matapos siyang makapanalo sa lotto, ang ama niya'y magmamana sa kanyang anak. Kung may SSS ang bata, yung proceeds ng kung anumang makuuhang benepisyo sa SSS ay pupunta sa primary beneficiary noong bata. Ang ama ay primary beneficiary.
Kung makapag-abroad ang ama at naising kuhanin ang bata, puede din. Kung ang bata naman ang mag immigrate sa US or Canada, puede din niyang i-petisyon ang ama niya. So you see, maraming implications na ma-recognize ng ama amg bata. You have to think this over very carefully. Kasi,, mabuti ng mabuti kung ginintuan ang kalooban noong ama. Paano kung hindi at gamitin lamang ang kanyang pagiging ama para magiing hadlang sa kaligayahan mo o kaya'y manghimasok lamang sa pagpapalaki sa bata? O gamiting pain ang bata para ang remittance mo kung OFW ka ay dumaan sa kanya ata lustayin niya? Mga posibilidad ito. Dapat ay isiping maigi.
kung mag-asawa ka ng iba, baka kahit na gustong ampunin ng asawa mo ang bata'y hindi pumayag ang ama. You never know these things. Komunsulta sa abogado bago magdesisyon. Sige, good luck sa iyo.