Kasal po ako 2005 at nagkahiwalay po kami noong 2007, dahil sa paulit ulit nya pananakit sa kin physical. Di na po ako nagpa medical noon pero umamin siya sa magulang ko sa mga nagawa niyang pananakit.
Kahit gusto ko po siyang kasuhan noon magulang ko po, pumigil sakin na wag ng kasuhan asawa ko dahil kahihiyan lang din daw dulot nun para sa anak namin kapag lumaki itong nakakulong ang ama nya.
Halos 8 taon na po kaming hiwalay at may iba na po siyang kinakasamang babae. May anak na din po sya dun s babaeng kinakasama nya. Simula noong naghiwalay kami wala po kong natatanggap na suporta para sa isa naming anak.
Katwiran nya po kasi, kaya kong buhayin yung bata dahil sa may regular na trabaho ako at sya nagmamaneho ng tricycle na binigay nung kinakasama niyang babae. Ngayon po mayroon po kong bf. Gusto ko po sanang ipa-annulled kasal namin? Kung magfa-file po b ko annulment, may chance po ba mapawalan ng bisa ung kasal namin?
Wala na din naman kaming communication matagal na. Ano po ba maaari kong gawing hakbang?