Meron po akong friend na may kinakasama for 18 years. May 4 na anak sa unang asawa. Nagkahiwalay sila dahil nanlalaki ung babae. Nahuli nya kya hiniwalayan.
Ngayun na magkasama sila ng friend ko nagkaanak sila ng 3. Bumili sila ng haus and lot na nakapangalan sa kaibigan ko. Ang problema ginamit nya ang last name ng partner nya kya un ang nasa title ng lupa. Ang nakalagay sa titulo ay name nya with the last name ng lalake tapos married to-----(name ng partner nya). Gamit din ng mga bata ang last name ng tatay nila.
Ang mga anak sa una at anak nila ay magkakakilala at lumabas from time to time. Alam ng unang asawa ang tungkol sa partner at mga bata.
Ang tanong, may habol po ba una asawa sa lupa? Kung meron, ano kailangan gawin para wala silang habol? Yung panganay nyang anak 17 years old pa lang. Pwede ba sa kanya ilipat ung titulo ng lupa? Kawawa naman kasi sya. May trabaho sya simula nung nagsama sila nung lalake. Hati sila sa pagbabayad ng property,.