Paano po ba ang mabilis at murang proseso sa pag aampon ng kamag anak (pamangkin

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Paano po ba ang mabilis at murang proseso sa pag aampon ng kamag anak (pamangkin), ang biological mother ay nais ipaampon sa aming mag asawa ang bata.


1 ang bata ay mag iisang taong gulang na at wala pang rehistro (birth certificate)


2 ang biological father ay halos hindi na nagpapakita sa mag iina kung magpakita man ay hindi naman po nagsusustento.


3 hindi din po nagsasama ang biological parent.




Sino po kaya ang pwede naming malapitan.




Nawa po ay matulungan nyo kami, nais po namin maayos ang lahat sa para na din po sa ikapapanatag pare parehas ng aming kalooban at para na din po maiayos ang kalagayn ng bata




Maraming salamat po





 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Para po maliwanagan ninyo ang proceso ng adoption, basahin po ninyo iyong aking post tungkol sa adoption, dito din sa website na ito. Hanapin lang po ninyo ito sa ilalim ng Family Law.

Ngayon po, maaari pong mag-ampon ng pamangkin. Iyon nga lamang, dadaan pa po kayo sa husgado dahil po kailangang makita ng husgado na kusang loob na ipina-pa-ampon ng ina ang kanyang anak sa inyo. Ngayon po, iyon pong biological father, kailangan din pong pumayag (consent) sa adoption. Kung siya po ay hindi papayag, kailangan pong i-prove ninyo na siya ay nag-abandon na ng kanyang mga anak na dahilan nga upang ipa-ampon noong ina ang kanyang anak.

Isa pa po, kailangan din po ninyong mai-prove sa husgado na kayo'y may sapat na kakayahan (emosyonal at pinanasiyal) na sumuporta at magpa-laki ng bata.

Dahil po naman sa ang bata ay ka-dugo ninyo, medyo mas lenient ang mga husgado lalo na kung ang bata ay sa inyo na lumaki at kayo na ang itinu-turing ng bata na mga magulang.

Ang pinaka-maigi po ay maghanap kayo ng abogado na may experience sa Family Law. Bago na po ang mga batas at procedure sa Adoption. Matagal-tagal din po ito kasi po ay kailangan pa po na gumawa ng study ang DSWD sa bata, sa inyo, sa ina, at gumawa ng recomendasyon sa husgado.

Komunsulta sa isang abogadong malapit sa inyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming salamat po Atty. Bambi
Jhoei Danque
is in the Philippines
* Atty. Bimbi

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.