Ang Philhealth ang tawag sa National Health Insurance Program ng Pilipinas. Ito ay itinatag upang magbigay ng health insurance na abot-kaya para sa lahat ng mga Pilipino. Ang pondo nito ay mula sa mga hulog ng mga miyembro nito at sa mga panahon ng pangangailangan at karamdaman, ito’y maaasahan. Ang prinsipyo nito’y pagtulong sa mga miyembrong walang kakayanang matustusan ang mga pangangailangang pangkalusugan.
Benepisyo
May mga minimum na halagang sasagutin ng Philhealth sa bawat uri ng pagkakasakit at pagkaka-confine sa ospital. Kung mapapansin ninyo, ang mga pagamutan at mga klinika minsan ay may naka-lagay na “Philhealth accredited” ang ibig sabihin nito’y kapag kayo’y magpa-gamot o magpatingin dito, maaari kayong mag-apply sa Philhealth upang mabawasan ang inyong babayaran.
Hindi direktang ibibigay ng Philhealth ang benepisto sa miyembro. Ang ospital or accredited health care institution ang babayaran ng Philhealth. Ang benpisyo mula sa Philhealth ay ibabawas ng ospital mula sa total bill ng miyembro, kasama ang mga professional bill ng manggagamot bago lumabas sa ospital ang miyembro.
Anu-ano ang mga requirements para maka-avail ng benefits?
Kailangang ang miyembro ay nakapag-hulog ng tatlong buwang hulog sa Philhealth at kailangang ang inihulog na tatlong buwang contribusyon ay naibayad sa Philhealth sa loob ng anim na buwan bago ma-confine.
Kailangang mag-fill-up ng Member Data Record o kaya’y Benefit Eligibility Form (PBEF).
Lahat ba ng pagkakasakit ay covered ng Philhealth?
Hindi lahat ng pagkaka-sakit o pagkaka-confine ay covered ng Philhealth. Iyon lamang mga compensable procedures at conditions na naka-saad sa Philhealth Circular No. 14 s-2013) ang babayaran ng Philhealth.
Hindi din babayaran ng Philhealth ang buong bill ng miyembro. May mga set amounts o ceiling amounts na babayaran ang Philhealth doon sa mga covered conditions.
Mayroong Maternity Care Package na pati sa mga paanakan o lying-in at birthing homes na Philhealth accredited ay puedeng ma-claim. Kasama dito ang pre-natal care, management of labor at delivery and post-partum care. May Newborn Care Package din, TB DOTS Package, animal bite package at malaria package.
Compensable din ang Dengue, Pneumonia, Essential Hypertension, Acute Gastroenterities, Asthma at Typhoid fever. May compensation package din para acute lymphocytic or lymphoblastic leukemia, breast cancer, prostate cancer, end-state renal disease, coronary artery bupass, surgery for tetralogy of fallot in children, ventricular septal defect in children, colon and rectum cancer at cervical cancer. Covered din ang mga piling orthopedic implants katulad ng hip arthroplasty (pinsala sa balakang), hip prosthesis (replacement), partial hip prosthesis, hip fixation, petrochanteric fracture at implants for femoral shaft fracture (pinsala sa buto sa hita).
May benepisyo ding matatamo para sa HIV-AIDS package, pati na ang Anti-tuberculosis treatment at voluntary surgical contraception.
Paano ang Outpatient services, covered din ba?
Kasama ng mga ambulatory o outpatient services ang minor at major operations; radiotherapy (para sa mga may cancer), hemodialysis, blood transfusion, pati na ang mga diagnostic tests katulad ng complete blood count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fasting blood sugar, lipid profile at chest x-ray.
Sinu-sino ang maaaring mag-miyembro sa Philhealth?
Lahat ng mga nag-e-empleyo
Lahat ng mga self-employed na mag-voluntary membership
Lahat ng mga sponsored members tulad ng mga kasambahay, family driver, kusinera at hardinero na ire-rehistro ng kanilang mga amo
Lahat ng mga casual employees at contractual employees ng gobyerno
Mga OFW at mga seaman
Mga retiradong tinaguriang lifetime membership
Mga senior citizens na hindi covered ng mga ibang category ng existing membership sa Philhealth
Mga mahihirap na hindi sapat ang kita para sa pang-araw-araw ng pagkain na naka-tala sa DSWD
Mag-miyembro na sa Philhealth! Maaaring magpa-rehistro online sa website ng Philhealth sa ilalim ng tinatawag na “E-Registration”. Sa maliit na halaga buwan-buwan, may maiimpok ka na maaaring makatulong sa araw na ika’y maratay.
Magsinop at mag-impok, para sa maginhawang hinaharap.
---000---
Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.
Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.
Masdan na laging isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.