Kung ikaw ay ginamit, ang tawag sa iyo sa ilalim ng batas ay "dummy" ibig sabihin, ikaw ay tumatayong may-ari ng isang kumpanya na hindi naman talaga ikaw ang nagmamay-ari o nagpapatakbo.
Kung ikaw ay nanonood ng balita sa Pilipinas, ito ang isa sa mga ebidensiya laban kay vice President Jojo Binay -- na siya diumano ay nag-mamary-ari ng mga lupain na naka-pangalan sa ibang tao, pero siya ang tunay na may-ari nito. Ito ay mga akusasyon lamang -- mahirap kasi naman itong patunayan.
Ang isang gusot na maaari mong kabilangan kung ikaw ay isang "dummy" ay kung magkaroon ng habla para sa illegal recruitment -- ikaw ang naka-pangalan so ikaw ang made-demanda at makakasama sa kasong illegal recruitment. Ang illegal recruitment ay non-bailable. Makukulong ka habang nililitis ang kaso at kahit na ikaw ay mapatunayan ding hindi nagkasala, ikaw ay nakulong na at hindi ka na nakapag-trabaho sa ilang taon na ang kaso'y nililitis sa husgado.
Ang isa pa, Kung ang mga napa-alis mong mga DH ay matanggal sa trabaho doon sa ibang bansa, kapag sila'y bumalik sa Pinas, ang kanilang idi-demanda ay iyong agency na nag-deploy sa kanila. Kasi, iyong agency dito ay representative noong principal employer sa ibang bansa. So, ikaw ang haharap sa demanda. Ikaw ang magtatanggol sa sarili mo para sa gusot na iba namang mga tao ang gumawa. Ikaw din ang magbabayad ng mga fine at ng mga monetary award kung mag-desisyon na ang mga DH na tinanggal ay illegally dismissed.
So, maaaring may kaonti kang ginhawa kasi, bibigyan ka siyempre ng suweldo o sahod mula sa kinikita ng agency, pero, ang dapat mong itanong sa sarili mo -- ito ba ay katumbas ng sakit sa ulo at posibilidad ng pag-ka-kulong?
At maiisip mo rin sana: kung ang isang tao ay handang manloko ng mga nire-recruit na mga Pilipino at sila'y paaalisin patungo sa ibang bansa kahit na hindi naka-expose ang tunay na may-ari at tunay na kumikilos sa likod ng mga dummy, iyong bang taong iyon ay dapat mong pagka-tiwalaan?
Maganda kaya ang kahihinatnan ng panlilinlang ng kapwa Pilipino mo? maganda kaya ang sukli ng tadhana sa iyo kung may mapariwara o mapahamak na Pinoy dahil sa "dummy" agency na iyan? kaya mo kayang harapin ang guilt na kaakibat ng ganoon? Hindi ka ba naniniwala sa karma? Hindi ka naniniwala na may Diyos na nakakakita ng lahat ng mga gawain itinatago? At lahat ng ito'y mabubunyag din isang araw?
Ito ang mga katanungan na dapat mong isipin at pag-desisyunan if you can live with it. Kasi, if you can live with that kind of risk -- sino ba naman ang makapipigil sa iyo? Tayong lahat ay binigyan ng malayang pagpapasya na gumawa ng tama o mali, dpende na lamang sa iyo kung ano ang depinisyon mo ng tama at mali.
Kung ano ang iyong itinanim, siyang iyong aanihin -- yan ang kasabihan ng mga Pilipino.