The legal requirements para makapag-start ng business ay dedepende sa kung ano'ng form ng business na gusto mong itatag: single proprietorship ba or corporation?
Kung single proprietorship, kailangan mo ng business name, so ikaw ay kailangan magpa-rehistro ng business name mo sa DTI na pinaka-malapit sa iyo.
Kung corporation, you will need to register as a corporation with the SSS. May mga forms sila na puede mong mabili sa SEC. May express lane din sila (fill-in-the-blanks lang ang mga form, may corporation ka na.).
I would imagine that you would need to be registered with the LTO because if you will be transporting passengers, ikaw, in effect ay nag-e-engage in business as a common carrier (like a bus or a jeep) iyong nga lang, wala kang specific na linya o ruta, so parang Taxi service ka. Kailangan mo pa rin ng frankisa for this.
Kailangan mo ng insurance at kailangan mong i-prove na may sapat kang capital. You need to determine first kung ano ang gusto mong set-up. Kung ikaw ay single or sole proprietorship, kapag na-demanda ka (wari na-accidente ang sasakyan) ikaw ang magbabayad ng lahat ng danyos. Kung corporation, ang corporation ang magbabayad, ikaw na miyembro ng corporasyon, hindi ka liable personally.
Maraming benefits at disadvantages ang bawat business form pero, both will work kung ikaw ay nais na mag-umpisa ng rent-a-car business. Mag-inquire ka sa LTO.
Ay, alam mo, hindi ata nagrerehistro ang LTO ng rent-a-car service kung hindi mga bago ang sasakyan. Kaya bago ka mag-umpisa ng business, dapat siguro ay mag-inquire ka muna sa LTO at sa LTFRB (sila ang nag-iissue ng mga franchise sa mga rent-a-car service).