Ayaw bumiyahe, nag-withdraw ng application trabaho Qatar: May kelangan pa bayaran?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kung wala pa po akong ibang dokumentong naisubmit maliban sa passport ko, at may visa na raw po ako. Na hindi ako inabisuhan sa kung sino ang employer at detalye ng patakaran ng kondisyon ng trabaho. At nalaman ko lamang sa stafff ang profile ng employer makaraang ipakita sakin ang papeles ng dapat na makakasama ko raw at nalaman ko na lima ang anak, lokal ang employer at kaynya kanya raw yata kami nag trabaho.


Nang alamin ko kung may day off ba, broker daw po sa Qatar ang magpapaliwanag ng detalye pag andun na kami. Sinabi ko na hindi ko pipirmahan ang agreement ng agency hanggang makausap ko ang manager at nalaman ko na makaraan pa raw ang 2 to 3 months tsaka pa lang magkaka day off.



Sinabi kong ayokong bumiyahe sa ganung sitwasyon at mag withdraw na lang ako.. May babayaran daw po ako.. Kailangan ko nga po bang magbayad sa online visa? Wala pa pong visa stamp passport ko?

Chat Conversation End


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Let's see, kung naintindihan ko ang kuwento mo:

1. Ikaw ay nag-apply mag-abroad sa isang agency.

2. Ang isinubmit mo pa lamang ay ang iyong passport.

3. Nagulat ka na ikaw daw ay may visa na at dapat nang umalis papunta sa Qatar.

Tama ba?

Ito ang mga tanong na kailangan kong linawin sa iyo:
1. Ikaw ba ay nag-apply para isang specific na trabaho? Wari, ikaw ba ay nag-apply bilang nanny, domestic helper, cook, etc.?

2. Ikaw ba ay pumirma ng application form or nag-submit ng biodata?

3. Ikaw ba ay binibigyan ng kopya ng employment contract mo sukat na alam mo ang exact address ng employer mo, exact name at alam mo ang mga condtions ng trabaho mo?

Kasi, kung hindi, hindi dapat ma-approve sa POEA ang contract of employment mo. At hindi ka dapat ikinuha ng visa. Kung dahil sa hindi katanggap-tanggap sa iyo ang trabaho na inaalok sa iyo dahil nga sa hindi malinaw akung ano ang magiging trabaho mo at hindi malinaw sa iyo kung ano ang inaasahan mong sahod, puede kang mag-reklamo, puedeng hindi ka umalis, at dapat ay ipag-laban mong maibalik sa iyo ang iyong passport (malamang sa wala pang visa ito, sa totoo lang). kasi, kung hindi pa sigurado kung saang employer ka at kung ano ang iyong sasahurin, hindi pa maaaring mag-issue ng work visa.

Kung may work visa na, ibig sabihin ay may employment contract ka na pero ayaw lang itong ipakita sa iyo. Or, iba ang ipinakikita sa iyong kontrata, iba naman ang kontrata na sasaklaw sa iyo once na nasa Qatar ka na (kung sa Qatar ka nga nag-apply).

Dapat pati, sinabi muna sa iyo ang available na trabaho, kung ito ay katanggap-tanggap sa iyo, at ikaw ay papayag. Magkonsulta sa isang abogado ay ng maproteksiyunan ang iyong mga karapatan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
1.nag aaply po ako n domestic helper.

2.pumirma po ako ng application form/ biodata

3.nang nag wi withdraw na po ako ng 3rd time, my visa n nga raw po ako, online visa..pina pipirma po ako ng agreement sa agency.hindi ko po pinirmahan dhil gusto ko po munang mkausap ang manager tungkol sa detalye ng kontrata tungkol sa day off oras ng trabaho sahod atbp.dhil ang sabi ng staff broker daw po sa Qatar ang mag didiscuss ng details,.Nov. 27 nagkausap kmi ng mngr.at napag alaman ko n 2 to 3 mos.p bgo raw po ako magka day off.hindi po ako komporme dhil bgo nga po ako ng ka visa hindi nmn muna nila sinabi skin n gnun ang patakaran o kalakaran,sinabi ko po ang tagal ko ng naghintay at ex abroad po ako kya naghahanap nmn ako ng mas maayos n kalagayan ng makukuhang trabaho. Kya po sinabi ko sa manager n wala pa po ako ng mga requirements n Ipinasa kya mag withdraw po ako..may babayaran nga raw po ako..di nmn po nila masabi kung magkano b bayaran, tatawagan n lng daw po ako.Dec. 4 Friday sked ng passport withdrawal wala p rin pong tawag.

3.Bgo p man po ako ng withdraw hindi nila ipinakita ang employment contract at employers info..ipinakita lng nila yung sa makakasama ko daw pending lng ang medical result..so upon knowing n no day off sa loob ng 2 to 3 mos. Ayoko na po Lalong umalis..kc po wala pla akong garantiya...at 4 po ang anak..

Salamat po sa mga sagot

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.