Sapat ba grounds for annulment ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ang aking asawa?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gusto ko po mag pa annul ng kasal sa asawa ko. Talagang di kami magkaintindihan at laging nag aaway, kahit nasa harap ng aming anak. Taong 2008 po nag abroad po ako at dun lumalala ang sitwasyon namin. At nagkasunduan namin na maghiwalay nalang at walang pakialamanan.

Hanggang nagkakaroon na syang dalawang anak sa iba't ibang babae. Sa katunayan po sa aming bahay sila nakatira ngayon nung isang babae na kinakasama nya na kapapanganak pa lang. Sapat na po ba na ground para sa pag file ko ng annulment? Maraming salamat po sana masagot nyu po ito.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Heto po ang aking sagot sa inyo:

Sa ilalim po ng ating Family Code, ang "annulment" ay maaaring makamtan sa ilalim ng Article 36 kung ang inyong asawa ay mayroon tinatawag na 'psychological incapacity' o sa ilalim ng Chapter 3 ng Family Code sa ilalim ng Void at Voidable marriages.

Kaya po, kung ang kasalan ay hindi kusang loob, kung ito'y may pananakot ito po'y puedeng ipa-annul. Kung halimbawa'y ang mga ikinasal ay malapit na magkamaganak at kanilang kasal ay sumasailalim sa tinatawag na 'incestuous' or 'quasi-incestuous' marriages, ito po'y puedeng ipa-annul.

Kung ang nag-kasal ay walang karapatang magkasal (halimbawa'y barangay captain) o kaya'y ang nagkasal ay sakristan o Sunday School teacher at hindi pastor, pari o ministro na lisensiyado, o dikaya'y ang mga ikinasal ay hindi naman miyembro noong simbahan kung saan sila'y ikinasal, ang mga kasal pong ito'y puedeng ipa-annul.

Kung ang mga ikinasal ay walang sapat na gulang (sila'y hindi 18 years old pataas) ang kasal ay puedeng ipa-annul. Kung ang mga ikinasal ay may personality disorder (katulad na lamang nga isang dating kandidato sa pagka-presidente na na-annul ang kasal niya dahil sa napatunayan sa husgadong siya'y may narcissistic personality disorder), maipapa-annul ang kasal. Kung may problema sa pagiisip sukat na hindi batid ng ikinasal kung ano ang layon at mga obligasyong dapat gampanan ng mag-asawa sa isa't isa, ang kasal ay puedeng ma-annul.

So, the question is, does your marriage fall under any of these instances and examples of marriage that can be annulled? Kung hindi sumasailalim ang inyong situwasyon dito sa mga situwasyong ito, hindi kayo puedeng mag-pa-annul.

Puede siguro kayong mag legal separation, o separation of properties. Pero, annulment, malabo ito sa kalagayan ninyo. Malamang sa ang inyong kalalagayan ay masosolusyunan ng isang diborsiyo.

Ngunit, wala pong batas na nagpapahintulot sa diborsiyo sa Pilipinas -- dalawa lamang pong lugar sa mundong ito kung saan walang diborsiyo: sa Vatican City at sa Pilipinas.

So, ano po ang inyong dapat na gawin? Ang tanging magagawa ninyo ay kung kayo'y maging citizen sa ibang bansa na may diborsiyo, kapag kayo'y citizen na noong bansang iyon, kayo'y puedeng magpa-diborsiyo. Iyon na nga lang, baka hindi rin maipa-rehistro sa Pilipinas ang inyong diborsiyo. So, kahit saan sa mundo, puede kang magpa-kasal ulit, pero sa Pilipinas, hindi ka na puedeng magpa-kasal ulit sa pagkat hindi tinatanaw man lamang ang diborsiyo sa Pilipinas.

Ang mga anak mo sa pangalawang kasal mo, kahit na sila'y lehitimo sa buong mundo, sa Pilipinas, sila pa rin ay tinatanaw ng mga batas nating makaluma na bastardo at ilehitimo.

Ano ang puedeng gawin? Kailangang ang bansang Pilipinas ay magkaroon ng batas na nagpapahintulot ng diborsiyo. Malabo din itong mangyari dito, pero, libre naman ang mangarap.

Sorry to be the bearer of bad news. But if you have a good lawyer and a good psychiatrist or psychotherapist who can convince a judge that your marriage falls under Article 36, you can try this.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.