Good day po! Sana po matulungan nyo po ako sa problema ko. Isa po akong DH dito sa Singapore. Nakabili po ako ng townhouse sa cavite sa Profriends company po last 2012 pa po. Nirecommend po ito ng isang kaibigan na sya ring agent po ng realestate.ang sabi po ng friend ko na kapag babayaran ko ng buo ang downpayment na 107k may 10% po akong discount.since nanghinayang po ako sa discount pinadala ko po mismo sa acct nya ang buong 107k.pero nagulat nalang ako ng mag email ang profriends sa akin at sinisingil ako sa kulang na bayad ko.hindi po ibinayad lahat ng friend ko ang pera kayat nagbayad na naman po ako para macomplete ang buong downpayment na 107k at dahil dun diko nakuha ang 10% discount.
2013 nabayaran ko na po ng full ang downpayment at nasa processing na ako ng bank financing.binigay ko po lahat ng requirements for the home loan application po sa bank.unang sinabi sa akin na bank is yung bdo.but then after few months sinabi hindi daw inaprobahan ng bank ang loan ko. Then sinabi pnb nalang daw.so nagpasa na naman ako ng mga reqs.dahil invalid na daw yung mga una kong binigay.same problem disapprove daw ng bank ang loan ko.until umabot po ng 2015. Ni minsan po hindi ko pa nakikita o napupuntahan ang location ng bahay po.hindi ko po alam kung totoong may naitayong bahay. Last year 2014 umuwi po ako para asikasuhin yun.nagpunta po mismo ako sa opisina nila hiningan na naman po ako ng mga reqs.for another home loan application pero ganun parin wala pating nangyari.sinabi ko gusto kong makita ang location at ang bahay.pero ang sabi po need po gumawa ng request letter at depende daw po kung apbobahan ng management ang request ko.since wala na akong time nun dahil saglit lang ang bakasyon ko diko na nahintay hanggang sa nakabalik na ulit ako ng singapore :-(
Nitong 2015 lang nag email ako sa kanila na kung ganun rin lang na walang nangyayari maiging hindi ko nalang ituloy.tinanong ko kung maibabalik paba ang pera ko na mahigit 100k sabi di daw pwede irefund.sabi ko kahit kalahati nalanng ang ibalik pero hindi daw po pwede.tapos nalaman ko nalang nitong nakaraang linggo lang mula sa aking agent na naka inhouse na daw yung unit ko at 4 months na daw di ako nagbabayad since sept 2015 to dec.2015 daw kaya may penalty na daw ako.need ko daw magbayad ng 82k. What???? Ni wala po silang sinabi sakin at wala pong agreement wala po ako pinirmahan na ako ay mag inhouse.walang sinabing amount kung magkano ang monthly amortization at kung kailan ako mag start magbayad.tapos biglang nagkapenalty ako?
Please po help me kung anong pwede kong gawin.wala ako kilalang attorney at wala po akong pera. I need advice and help po.
Maraming maraming salamat po sa pagbasa at sa pagtulong nyo kung sakali.
God bless us!!!