Tenant for almost 35 years, may karapatan paalisin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Magtanong lang po ako regarding sa lupa. Kase po tenant po kmi sa lupang tinitirikan ng bahay namin ngaun. Ang may ari po ng lupa ay namatay na. Ang sabi po noon sa lolo ko magtayo na ng bahay sa hindi nakakaabala. So ang bahay po namin ay nakatirik sa tagilirin o kanto ng lupa nila.

Ngaun po ay gusto kaming paalisin sa bahay namin. May karpatan po ba kaming ilaban na hindi kami aalis sa lupa na tinitirikan ng bahay namin? Dahil almost 35years na po kami nakatira doon, dun na po ako pinanganak.

Sana po ai masagot ang tanong ko nagwoworry kasi ako sa amin, lalo na at andito ako s malayo.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku I have bad news for you. Ipapakita ko sa iyo kung bakit ito bad news, mula din sa mga nakalagay sa iyong post:

1. Sabi mo, kayo ay "tenant" ang tenant ay isang taong tumitira sa lupa dahil sa siya'y nangungupahan, o kaya'y siya'y nagta-trabaho sa lupa or kaya'y siya'y nagta-trabaho at biinigyan ng pabahay sa lupa o lugar kung saan siya nagta-trabaho. So, ang tenancy ay isang hindi permanenteng kalalagayan o situwasyon.

2. Ang sabi mo din, kayo ay pinayagang tumira sa lupa noong may-ari. Sinabi mo rin na patay na ang may-ari -- ang pagpapatira sa inyo ng may-ari ay legal, ang tawag dito ay "occupation by tolerance" -- hinayaan lang kayong tumira doon noong may-ari. Ngayon, noong mamatay ang may-ari, wala na iyong taong nag-tolerate sa inyong pag-tira doon. Ang pagmamay-ari sa lupa ay naipasa na sa mga heirs o tagapag-mana. Sila ngayon ay may karapatang ibenta or tumira doon sa lupa at sila ay walang obligasyon na ipagpatuloy ang mga ginawa noong dating may-ari kasi nga, sila na ang mga may-ari ngayon.

3. Sinabi mo rin na kayo'y hinayaang magtirik ng bahay doon sa lugar na "hindi nakaka-abala" kung kaya't kayo'y nagtayo ng inyong bahay doon sa may dulo, sa may gilid noong lupa.

Ang lahat ng mga circumstances na ito ang nagbibigay sa akin ng katunayan na kayo ay mga pinatira lamang sa lupa, marahil bilang katiwala o kapatas sa lupa, pero, hindi kayo umuupa doon.

Ngayon, sa isang banda, ang pag-gamit mo ng salitang "tenant" ay may ibig sabihin din sa Agrarian Law. Kung kayo ay mga agricultural tenant -- ibig sabihin ay kayo'y nagsasaka ng lupa para sa panginoong may lupa, at ang lupa ay malawak sukat na ito'y sasailalim sa Agrarian Reform, baka mayroon kayong pag-asa. Pero kung hindi kayo agricultural tenant, at kung ang lupa ay hindi sakop ng Agrarian Reform, kayo ay maaaring paalisin sa kahit na anong oras noong mga bagong may-ari. Ang mainam ay kumuha kayo ng abogado.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sorry po hnd ko po nabanggit na kami po ai nagsasaka sa lupa, may mga puno po
ng niyog na tinanim pa ng lolo ko simula noong cia n ang nngalaga ng lupa..
hnd dn po kami nkakaligta taon2 na magbigay ng kabahagi s may ari ng mga
naaani sa kanilang lupa.
ANg nanay ko po at lola ko ai nagpunta n sa agrarian,
at itinaas na po sa fiscal daw ung kaso nila
nagusap n po cla noon pa, year 2012 pero natigil po.
ngaun lang po ulit nagreklamo ang may ari dahil
nakita po nila n pinagawa ang aming bahay dahil
ang bubong po ai mahuna na at maari ng tangayin ng bagyo anu
mang oras.
Sagot po ba ng gobyerno ang aming abogado kapg
tinaas na po ang paglilitis.
mayron n po ba kaming karapatan o makakakuha
na po ba kami ng kabahagi ng lupa n matgal namin pinagtrabahuhan?
Emily Barril
is in the Philippines
Gandang araw po.may tanong din po ako..nakabili po kami ng lupa na tax declaration.ngayon po may take na ayaw umalis kasi 15 years na daw po syang nakaposisyon doon mula nung isinanla ng isa say mga heirs ang portion sa harap at itong tao ngang ito ang nilagay para maglukad..nung matapos na po ang usapan sa pagkasanla.sabi ng naglagay say kanya dun umalis na kasi tapos na ang usap sa sanla..pero Hindi sya umalis bagkus nagtanim ng niyog..at sya magpahanggang ngayon ang nakikinabang dun sa kita ng niyog..two years na po after namin mabili ang lupa.at ngayon nga ay may titulo na at bayad na lahat ng tax from then..ano po ba ang issampang reklamo para umalis po ang taong it.kasi po nagpapabayad po sya ng 300 per puno dun sa mga tinanim niya which is sya na po ang nakikinabang dun..may karapatan po ba syang magdemand kapalit ng pag Ali's niya?sana po masagot nyonpo ako..salamat po...taga camarines po ako...

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.