Nais ko lamang pong magtanong tungkol po sa kasal. Ang bf (boyfriend) ko po kasi ay Pilipino. Siya po ay nagpakasal sa Singaporean sa Singapore noong 2010. Nag divorce po sila noong 2011. Pero ang sabi niya po ay hindi sila kinasal dito sa Pilipinas. Gusto ko lang po sana malaman kung automatic po ba na nakarehistro ang kasal din nila dito sa Pilipinas? O kailangan pa po ba na magrehistro ang mismong kinasal?
Kapag po ba divorce na siya sa Singapore wala na rin po bang bisa ang kasal nila sa Pilipinas kung sakaling nakarehistro po ito? Sana po ay matulungan ninyo po ako. Maraming salamat po.