Nais ko lang po sanang humingi ng payo: Kasal po ako sa civil noong 1990 at naghiwalay kami ng asawa ko noong 1998 dahil sa babae. Alhamdulillah ngayon po ako ay isa ng ganap na Islam. Nagpaconvert po ako noong 2003 noong ako ay nasa sa Riyadh.
Maari ko po bang edivorsyo ang asawa ko sa Sharia court sa Pilipinas kahit na kasal namin ay sa civil? Sapat na ba ang diborsyo namin upang ako ay makapagpakasal uli civil man o sa islam? At kung kami ay madiborsyo sa Sharia court, kinakailangan ko pa bang magfile pa ng annulment sa korte?