Naku, usually, ang adoption na for the purpose of migration ay dapat gawin doon sa panahon na hindi pa umaabot sa edad na 18 ang aampunin. Kasi, ganito iyon, bakit ba nag-a-adopt ang mga tao? Dahil sa gusto nilang magka-anak. Tapos, gusto din nilang suportahahan financially ang taong kanilang aampunin. This presumes that the person who will be adopted is still incapable of caring for and supporting himself or herself.
Dahil sa ikaw ay 22 years old na, you are no longer a minor. Presumably, nakapag-aral ka na, at kaya mo nang mag-trabaho at kumita para ikaw ay mabuhay, so, hindi mo na kailangang ikaw ay ampunin ng Tita mo. Kung ikaw ay gusto niyang ampunin, dapat noon pa bago ka sumapit sa 18th birthday mo.
Kung ikaw ay may mental or physical disability, ibang usapan na iyon. Ang taong may mental or physical disability, puedeng ampunin kasi, ang taong nasa ganoong kalagayan ay maaaring hindi ma-suportahan ang kanyang sarili.
AT kung halimbawa, ang aampon sa iyo ay stepfather o stepmother mo, iyong bagong asawa ng biological parent mo, puede kang ampunin noon kahit na ikaw ay lampas 18 na kasi, gusto ka naman nilang maging tagapag-mana. At saka, ikaw ay natural or biological parent na ng magulang mo, ang aampon na lang sa iyo ay iyong bagong spouse ng biological parent mo.
Kasi, labas sa mga kasong ito, halatang-halata na ang nais lang na mangyari ay ang maiwasan ang mahigpit na mga immigration rules. Kumbaga (kasi notorious ang mga Pilipino sa ganito, eh), kaya ayaw payagan ang paga-ampon ng isang taong of age, ginagamit lamang itong paraan para maiwasan ang mga mahigpit na batas ng immigration sa Japan.
I am not so very familiar with Japanese immigration law. Ang pinaka-mabuti ay maghanap kayo ng abogado na ang specialization ay immigration sa Japan. I hope this helps.