Rights VS. Title against 10 houses without consent of the family VS. BANK

Jessica Sarmiento
is in the Philippines

Atty. kame po ng asawa ko ay binigyan ng kapirasong lupa ng biyanan ko. pero rights lang po ang hawak nila na nakapangalan sa lolo ng aswa ko na pumanaw na din po matagl na. nagpagawa po kame ng bahay sa lupa na iyon at matapos ay nalaman namin na may iba tao po na nagpagawa ng titulo ng lupain na iyon. Ang lupain po na yon ay dating sakop ng dagat at pinagawan lang nila ng rights para po maipangalan sa kanila at katunayan na sila ang nakatira at pinagawan nila ng kanya kanyang bahay, bale 10 bahay po ang nakatirik sa lupain na yon. Nalaman din po namin na naisangla sa bangko nun tao na nagpagawa ng titulo, nakipagusap kames a bangko dahil gusto nila kunin at hindi nga po kame makapaniwala na napagawan ng titulo, hinanap po naming yung kopya ng titulo at pinakita na meron nga po at may pirma po yung iba nakatira don na may hawak ng rights pero hindi po lahat at sinasabi nila na hindi nila alam na pinapirmahan sila. Mahigit 70 years na po nakatirik ang mga bahay don at yun po ay sa mga magulang pa ng mga nakatira don, yung iba po nabubuhay pa. Ano po ba ang pwede naming gawin para don?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang mga lupang dati'y bahagi ng dagat ay considered lands of the public domain. Kung ito po ay foreshore land (lupa na dati'y pampang ng dagat), hindi po puede itong patituluhan kasi po, ito'y papasok sa tiberland (Kung may mga bakawan o mangrove). Ang puede lamang po kasi na patituluhan ay iyong public agricultural lands. Kung ang lupa ay classified as timber or forest land or kaya mineral lands or national parks, hindi ito puedeng pa-tituluhan.

Ngayon, kahit na ang lupa ay nasa may tabing dagat, kung ang lupa ay ka-hanga noong mga lupaing may titulo na, considered na itong accretion (it depends kasi po kung ano ang lokasyon). Puede din naman itong reclaimed lands (katulad na lamang noong kinatatayuan noong CCP complex).

Ngayon po, kung ito'y napa-tituluhan, dapat po ay nag-paskil ng notice of hearing sa lupa mismo noong nag-file ng petition for the issuance of an Original Certificate of Title. Kung wala kayong nakitang naka-paskil, fraudulent po ang transfer. Ngayon, kung may nakita kayong nakapaskil pero hindi ninyo ito pinansin, tinulugan ninyo ang inyong mga karapatan.

Ang titulo Torrens po kasi ay ebidensiya ng pag-mamay-ari at ito ay hindi na puedeng galawin kung ito'y nai-issue na. Ngayon, kung may extrinsic fraud po na naganap, kailangan ninyong atakihin ang titulo mismo -- to have it annulled. Kaso, may takdang panahon sa puede itong gawin. Kung nakalampas na ang palugit na panahon na iyon, hindi na puede pang bawiin ang pagkaka-rehistro.

You need to talk to a lawyer. I cannot give you advice because I do not know all the facts and I have not seen any of the documents. Please talk to a lawyer.
Jessica Sarmiento
is in the Philippines
Salamat po attorney. Foreshore po yung lupa, at ayon po sa mga nakatira don ay wla po sila nakitang nakapaskil na notice of hearing. Nalaman na lamang po nila na may titulo na ang lupa nung may nagpaskil po na for sale na po ng bangko yung lupain nila. Saka lang nila nalaman na napatituluhan na po pala at isinangla sa bangko hanggang sa napapunta na sa kanila yung pagmamay ari. Maraming salamat po ulit.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.