Reklamo sa developer ng subdivision, wala parin titulo. Saan pwede magreklamo?

Ross Roman
is a non-Filipino member from Saudi Arabia

Saan ba ako pwede magreklamo, kasi yung nabili namin lupa sa isang developer o subdivision wala paring titolo. 1 year contract lang po babayaran ang lupa at makukuha nadin namin ang titolo. Pero 3 year na wala parin at puro pangako lang s aamin.

Ano po ba dapat namin gawin? At pwede ko pa ba withdraw ang akin naihulog na pera?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang government agency na nakakasakop sa mga real estate developer ay ang HLURB o ang Housing and Land Use Regulatory Board.

Sa totoo po, hindi po magkakaroon dapat ng license to sell ang isang real estate developer or subdivision owner kung hindi ay may individual nang mga titulo ang mga lupang kanilang ibebenta. Kaya, talaga, pagka-bayad ninyo, dapat ay mai-release na sa inyo ang inyong titulo.

So, maghanap kayo ng abogado, mag-send kayo ng letter of demand. Sa sulat ninyo, ilakip ninyo ang xerox ng lahat ng inyong resibo at iyong Deed of Absolute Sale na dapat ay ibinigay na sa inyo matapos ninyong bayaran lahat ng installments. Tapos, bigyan ninyo sila ng 15 days para i-issue sa inyo ang TCT ng lupa, kundi, kayo'y magrereklamo na. So, dapat ay dalawang kaso, isa sa HLURB dahil sa ang subdivision owner ay in-breach na noong license nila to sell. Ang isa ay for specific performance dahil sa may contrata kayo, na nagsasaad na ibibigay na sa inyo ang titulo ng lupa matapos na ninyo itong bayaran.
Ross Roman
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Ibinigay na saamin ng developer ng subdivision yung titolo ng aming lupa binili kaso ang problema pangalan pa ng mismong nagmamay-ari ng lupa at problema pa ay mga patay ang tao nakapangalan sa titolo at meron sya pamangkin na tagapagmana ng lupa pero hindi pa naililipat sa pangalan niya. pwede ba kami ang mag ayos sa pagpapalipat ng titolo sa pangalan namin? ano unang hakbang na dapat namin giwin? sana mabigyan nyo po kami ng payo.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sigurado ba kayong lisensiyadong developer ang kausap ninyo? Kasi, sa pagkaka-alam ko, hindi puedeng magbenta ang isang developer ng lupa sa subdivision unless na ang buong subdivision ay natituluhan na sa pangalan noon mismong developer. Tapos, ipapa-hati-hati noong developer ang original title sa ilang sub-titles para sa bawat subdivision lot.

So, kung ang lupang nabili ninyo ay nasa pangalan pa noong dating may-ari noong lupa, baka peke ang developer na iyan. Hindi rehistrado sa HLURB ang subdivision. Kaya wala kayong proteksiyon gaano kung ang mga heirs noong dating may-ari ay maghabol. Wala kayong proteksiyon noong innocent-purchaser for value. kasi, nasa inyo na pala ang titulo, alam ninyong may problema at ang higit sa lahat, alam ninyong may mga kamag-anak na maaaring maghabol.

You are no longer protected. Get yourself a lawyer and let a lawyer tell you what your best options are. You may have already been defrauded by the developer.
Marlo Ornido
is in Japan
Tanong lang Po. Ako po kasi ay kumuha ng house and lot. sa isang subdivision tapos down na po ako ng 10% sa pagibig finacing daw po yun. tapos kalaunan ininform ako na kailangan daw sa pagibig 30% ang kailangang bayaran, pwede po ba yun na kuhanin ulit yung naidown ko na?
ganun po ba talaga pag trugh pagibig financing 30% ang babayaran?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.