Sapilitang pagbibenta ng minanang bahay at lupa.

Jenny Dy
is a non-Filipino member from the Philippines

Gusto ko po sanang idulog sa inyo ang issue ng sapilitang pagbibenta ng minanang bahay at lupa mula sa aming mga magulang. Patay na po ang mga parents namin at hindi pa po naita transfer sa aming magkakapatid ang titulo at ako po ang may hawak ng original title. Ganito po ang issue...kami po ay 10 na magkakapatid at present ako po at ang aking 2 anak ang nakatira dito sa bahay ng aming mga magulang. Ang dalawa sa mga kapatid ko ay may nakatirik na tig isang separadong bahay sa likod ng compound. Isang matandang binata at isang kapatid na babae na hiwalay sa asawa at may dalawang anak.

Sa madaling salita po, dahil sa personal na hidwaan namin nitong kapatid kong babae ako po ay pini pressure nya na ibenta na itong bahay at lupa. Hindi po ako sang ayon sa ngayon dahil marami na rin po akong nagastos sa improvement nitong bahay at nandito po ang aking hanapbuhay at isa pa wala po kaming bahay na malilipatan. Sabi ng iba kong kapatid ke ibenta o hindi ay okay lang sa kanila go with the flow lang sila kumbaga. Alam ko naman po na pantay ang karapatan naming magkakapatid sa mana na ito kung sakali man maibenta.


Pero ang tanong ko po ay ito....maari bang sapilitang ibenta ang bahay at lupa kung isa man po sa aming magkakapatid ay di sang ayon na ibenta ito sa kasalukuyan? Kinokonsider po ba ang majority rule sa mga ganitong usapin?


Thank you in advance po sa inyong pagtugon.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
I suppose na walang last will and testament ang inyong mga magulang. At dapat ay kausapin mo ang iyong mga kapatid. Kasi, kapag ibinenta ang lupa, tig 1/10 lang kayo sa proceeds (matapos ibawas ang lahat ng gastos sa taxes at sa transfer of title).

Ang lupa ay co-owned ninyo as heirs. So, kapag gusto na ng mga co-owners na ang lupa ay ibenta, wala kang magagawa kahit na ikaw pa ang may hawak ng titulo. Actually, mas maigi nga kung ibenta na. kasi, baka mamaya, dahil sa malaki ang lugar na ino-okupahan ng bahay mo sa lupa, higit doon sa 1/10 mo na share, eh, baka pa-bayaran pa sa iyo nang renta yung inookupahan mong higit sa 1/10 share mo.

Kung may pera ka na rin lang, bakit hindi mo pa bilhin na lamang ang mga shares noong iba mong kapatid na "go with the flow" lang ang attitude? Ipa-appraise mo o kaya, hingin mo sa BIR ang zonal valuation ng lupa ninyo. From there, makikita mo ang 1/10th value. So, suklian mo na lamang ang iba mong kapatid at bawat isa sa kanila ay pipirma ng waiver na ang share nila na 1/10 ay kanilang iniwe-waive para sa iyo. kasi, sa totoo, kung ang value ng lupa ay maliit (wari ito ay sakahan) or residential, at mas malaki pa ang magagastos sa Capital Gains Tax, Inheritance Tax at real property taxes, plus penalty plus surcharge, etc. It will be better for your other siblings kung ibenta na lamang sa iyo ang lupa kasi, hindi na rin naman ito worth much kung pag ibinenta, ang pinagbentahan ay mauuwi lamang sa bayarin sa gobyerno, sa pagpapalakad nitong mailipat ang titulo. Mas mabuti pang ibenta na lamang sa iyo.

That was just an idea. It all depends upon what documents you have (which I have not seen). So, it would be best if you consulted a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.