Posible ko pang mabawi ang passport ko sa agency/employer?

Erwin Nicos
is in the Philippines

Tanong ko lang po kung posible ko pang mabawi ang passport ko sa agency/employer na inapplyan ko. Bale po kase nang tinanggap ko ang job offer ay via phone lang at katanggap tangap naman ang sweldo para sa Sr Technician. Sagot po ng employer ang lahat ng gastusin kaya binigyan na ako ng authorization ng local office nila na magsimula na ng medical habang hihintay ang final na contract. Ang problema po biglang tumawag sa akin ang employer sinabi na bumaba ang sweldo kasi Jr technician lang ang available for deployment. Mukhang gusto ko na pong umatras kasi hindi naman po iyon ang tinggap ko na magiging sweldo. Kaso po may pinapirma po sa akin noon na agreement na babayaran ko ang medical at ibang fees kung magba-back out ako. May posibilidad pa po bang mabawi ang passport ko at hindi maging liable sa ginastos na sa akin ng employer?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi malinaw sa akin kung ang passport mo ay nasa agency/employer mo habang nandito ka pa sa Pilipinas dahil sa may prino-proseso pang mga papeles para sa iyo or may pinababayaran pa sa iyo; or kung ito ay withheld sa iyo ng agency or employer mo habang ikaw ay nagta-trabaho na.
At any rate, ang passport ay isang personal mong pag-aari. Ito ay dokumentong legal na nagpapatunay sa iyong status bilang legal entrant sa isang bansa at isang legal worker. Ito ay maaari lamang i-withhold sa iyo kung ikaw ay naka-kulong dahil sa ikaw ay nililitis or naparusahan na bilang isang kriminal.
Liban dito, walang taong puedeng umipit ng passport mo. Ang employer na mag-withhold ng passport ng isang foreign worker ay maaaring ihabla bilang isang 'human trafficker' sapagkat ang OFW na walang passport ay 'bihag' ng kanyang employer. Ang pag-bihag ng mga migrant workers is an act of human trafficking ayon sa United Nations.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masasagot ng may kasiguraduhan ang iyong katanungan tungkol sa liability mo sa gastusin. Depende ito doon sa iyong pinirmahan. Pero, kung ang iyong pinirmahan ay para sa Sr. Technician at ikaw ay ide-deploy bilang Jr. Technician, you have a right to back out from the employment contract. Yun nga lang, kailangan mo sigurong mag-habla sa POEA. Hindi kasi maaaring baguhin basta basta ng employer or agency ang terms ng iyong pinirmahan contrata at baguhin ang salary rate. Kung ikaw ay tinanggap nila bilang applicant para sa Sr. Technician, at nagkasundo kayo sa suweldo, hindi ka puedeng i-deployo bilang Jr. Technician sa mas mababang suweldo unless payag ka. Ang consent o pag-payag mo ay naka-base doon sa inyong agreement na Sr. Technician ang trabahong gusto mo. TIP: minsan, dapat pagkatapos mong mag-habla, tumawag ka sa mga Tulfo. Balita ko'y nangangalampag sila ng mga employer or agency na nanggi-gipit tulad nito. Maaari din namang sumangguni ka sa help desk ng DOJ o DoLE. Susulatan nila ang employer mo upang aksiyunan ang iyong reklamo. O kaya, pumunta ka sa Office of Legal Aid sa University of the Philippines College of Law o kahit na anong law school na may Office of Legal Aid. Libreng legal services ang kanilang ibinibigay at puede silang gumawa ng demand letter na ipapadala sa iyong agency/employer.
Erwin Nicos
is in the Philippines
Hi Atty. Bimbi.. Kasalukuyan po nasa representative ng employer dito sa Pilipinas ang passport ko at di pa po ako nadedeploy. Kasalukuyan pa rin po ako nagaayos ng requirements. Wala pa po akong pinipirmahang kontrata na nagsasaad ng posisyon at sweldo. Nagkasundo lang po kami ng employer tungkol sa posisyon at sweldo sa telepono bago po ako pinagreport sa office nila. Sa pagaakalang may napagkasunduan na kami ay pinagmedical na nila ako (sagot ng employer ang gastos). Nagbago lamang po ang isip ko ng bigla nilang babaan ang sweldo ko sa kadahilanang ayun lang daw ang nararapat sa available nilang posisyon. Di raw po ako papayagang basta basta magback out at kunin ang passport dahil ginastusan na nila ako, bayaran ko raw ho muna ito. Sila po ang bumago sa usapan namin kaya nagbago rin ho ang isip ko. Ang pagkakamali ko lamang ay nagpamedical na ako ng wala pang pinipirmahang kontrata sa pagaakalang wala ng problema tutal hindi naman ako ang gagastos.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.