Una sa lahat, nakikiramay ako sa iyo -- mahirap na mamatay ang pag-ibig lalo na't ito ay iyong first love.
Pangalawa, ang mga lalake ay marupok. Hindi naman lahat, pero, marami sa kanila ang marupok. Minsan, hinahanap nila ang feeling ng conquest -- iba kasi ang feeling na mahumaling ang maraming babae sa kanila, feeling nila, Master of the Universe sila.
Pangatlo, ang mga lalaki, minsan, hindi ginagamit iyong utak nila. Hindi ni la nakikita na sa kanilang mga gagawin, maraming masasaktan at maraming masisira.
Pang-apat, minsan, ang mga babae, kampante na dahil sa sila'y in love-pa rin, iniisip nila na ang lalaki ay in-love pa din sa kanila. Hindi nila alintana na falling in love within the context of marriage is a daily chore, a daily joy and a daily challenge. In order for a marriage to last, you must fall in love with each other continually and continuously.
Pang-lima, may mga panahon talaga na hindi nababatid ang mga feelings. Mas maraming nakaka-pukaw ng atensiyon tulad ng hanap-buhay, pagkakasakit, kawalan ng pera, etc. Love is not just a matter of emotions, love is also a matter of reasoning and a matter of conviction as well as committed action. It is something people work on.
Feeling ko si Tia Dely ako, o kaya si Helen Vela (pareho nang patay ang mga magagaling na mag-payong ito).
Abogada ako, so, may mga tanong ako sa iyo:
1. Kayo ba ay mga citizens pa ng Pilipinas? Kasi, kung kayo'y citizens pa, there is no divorce in the Philippines and there is no divorce for Filipinos. Kung kayo'y hindi na mga Pilipino dahil sa kayo'y naging citizens na ng ibang bansa, puede na kayong magpa-divorce sa ibang bansa. Tapos, ang divorce ninyo ay puedeng ipa-rehistro dito sa Pilipinas.
2. Handa ka bang mag-file ng criminal case? Kasi, ang pambabae sa ilalim ng ating batas na kriminal ay kailangang scandalous. Kailangang maipakita mo (with evidence) na ibinabahay niya ang mga babae.
3. Saan ba nangyari ang mga pambabae? sa labas ba ng Pilipinas? O sa loob ng Pilipinas? Kasi, sa labas ng Pilipinas, walang pangil ang batas natin para habulin ang mga nambabae. Kung dito sa Pilipinas nangyari, puedeng mag-habla dito sa Pilipinas.
4. Handa ka bang magpatawad? O hindi na? Ikaw ba ay apektado sa ginagawang pambabae ng asawa mo, as in, ikaw ba ay hindi nabibigyan ng support? Ikaw ba ay pinagmamalupitan? Ikaw ba ay hindi nabibigyan ng ikabubuhay mo? Kasi, kung ito ang epekto ng pambabae ng asawa mo, ito ay sumasailalim sa Violence Against Women.
Ang pinaka maigi ay kumuha ka ng abogado mo.