LENDING COMPANY DEBT

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

LENDING COMPANY DEBT. hello po gusto ko lang po sana humingi ng payo tungkol sa problema ko.Dati po ako nagtratrabaho sa Taiwan at nung ngka problema po family ko sa pilipinas napilitan po ako mag loan sa isang lending company sa Taiwan pero peso po bibigay nila sa akin. NAg loan po ako ng 50 thousand. Nagbayad naman po ako ng buwan2x pero sa kasamaang palad nagkasakit po ako. At kailangan ko po umuwi ng pilipinas. Halos mag isang taon na po akong walang trabaho kasi nga po sa heart problem palagi sumisikip dibdib ko pag stress at mapagod. Hindi po ako komontak sa lending company asi alam ko po masasakit lang na mga salita lang maririnig ko sa kanila at isa pa wala po talaga akong pera pambayad kasi jobless po ako. Kahapon lang nka tanggap po ako ng sulat. Letter of demand po ang sulat galing sa atty ng lending company. Ano na po ang mangyayari sa akin po? makukulong po ba ako? 50k po loan ko sa kanila pero ang demand nila sa sulat umabot po ng 85k need ko bayaran. Hindi ko po alam san kukuha ng pera pambyad sa kanila po. Please tulungan ninyo po ako kung ano gagawin ko. Maraming Salamat po sa lahat.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Saan mo pinirmahan ang inyong kontrata? Ang lending company ba ay nandito sa Pilipinas? Ano ang iyong ibinigay na prenda o collateral? May kopya ka ba noong iyong pinirmahan?

Sa totoo, simula pa 2013, ang rate of interest sa Pilipinas ay 6% per annum. Sa ilalim ito ng Central Bank Circular 799. So, kung lalabis dito ang sinisingil nila, kailangan ay alam mo iyon at kailangan noong nangutang ka, nagkaroon ng disclosure (kung paano nila iko-compute ang iyong interest, kung paano nila i-a-apply ang bayad mo buwan-buwan, kung ano ang mangyayari sa iyo kung hindi mo ito mabayaran).

Kung wala kang collateral, ang gagawin nila sa iyo ay ikaw ay tatakutin, ikaw ay hihiyain. KUng maire-record mo ang mga pananakot at panghihiya sa iyo, puede mo silang idemanda. Kasi, may karapatan naman silang mabayaran pero, wala silang karapatan na yurakan ang iyong pagkatao o ang katiwasayan ng iyong buhay. At kung hindi sila rehistrado o sila'y sumisingil ng patung-patong na interes sukat na hindi ka na makaka-ahon sa pagbabayad, iyon ay considered na onerous contract.

Alamin mo na kung sila'y sasang-guni sa husgado, masisilip ang napaka-taas na rate of interest na kanilang sinisingil. so, malamang sa hindi sila maghabla. Kumausap ka ng abogado kahit PAO o kaya'y abogado sa IBP, ipakita mo ang iyong mga dokumento. Humingi ka ng payo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po Atty. Bimbi. Maraming salamat po sa pagbigay ng oras para mag reply sa aking mga katanungan. Sa tanong po ninyo kung saan ko po pinirmahan ang kontrata? Ang sagot po ay sa Taiwan ko po pinirmahan lahat at meron din po silang branch sa Taiwan ang main branch po nila ay andito sa Pilipinas. Sa kasamaang palad Peso po binigay nila na pera pero ang halaga na binabayaran ko po ay triple sa halaga ng nakuha kong loan. Kasi Taiwan dollar po binabayad ko po sa kanila at hindi peso.Tungkol po sa ano nabigay kong collateral o prenda ang sagot po ay wala kasi contract lang po ang hiningi nila na requirements. Nagpadala na po sila ng demand letter at kailangan ko po daw bayaran ang 85 thousand sa sampung araw at sisingilin nila ako sa atty fee ng company. Wala po akong copy sa pinirmahan ko po. at kung sino2x na po kinontak nila pati nasa reference no. na tao na naisulat ko noon at tinakot nila ang kakilala ko nga pati daw sila madedemanda.

Ang tanong ko po maari po ba yun pati sila mademanda? wala nmn po silang pinirmahan ako lang po ang nka pirma sa ka nila. At kung makakatanggap po ba ako ng court letter galing sa kanila ano po ba dapat kong gawin? Hindi po ako qualified kumuha ng abogado sa PAO at kung sa IBP po ako manghingi ng tulong ano ano po ba requirements? Wala po akong document na hawak o kahit kontrak po kasi hindi po nila binigyan.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Iyan na ang iyong depensa kung ikaw ay idemanda dito sa Pilipinas. Good luck to you. Kailangan mo ng abogado para sagutin sila kung idemanda ka nila dito sa Pilipinas.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.