Lupa ng mga magulang ko na walang titulo, pinag-interesan ng kamag-anak at pinagawan ng titulo na wala po kaming alam. May laban pa po ba kami?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May lupa po mga magulang ko na namana pa sa mga lolo at lola ko na walang titulo. Pinag-interesan po ng kamag-anak namen at pinatitulo po niya ito na wala kaming alam. May dumating na lang pong sulat na galing sa abogado ng kamag-anak namin at kasama po sa sulat yung xerox ng titulo. Nakasaad po sa sulat na galing sa attorney na sila na po ang may ari ng lupa at pinahintulutan lang po kaming tumira don ng libre, pero oras na kailangan na nila yung lupa, kailangan na po naming umalis. Binigya po kami ng 30 days para lumisan. Humigit kumulang po sa 1.2M ang nagastos kasama po ang 300k sa ibang gastos gaya ng consolidation., Hindi po kami sinabihan sa ginawa niyang pagpapatitulo, at ngayon po ginigipit niya kami. Dahil po sa nangyari, sinangguni na po namin sa aming kapitan at napakiusapan po siya ng aming punong barangay kung pwede nalang hulug hulugsan yung nagastos niya dahil wala na po kaming laban dahil nandyan na po ang titulo na ngoapatunay na siya na may ari ng lupa. Binigyan po niya kami ng 6 buwan para ibalik ng buo yung lahat ng nagastos niya. Kung di daw po namin maibigay ng buo yung lahat ng ginastos niya, paaalisin na po kami sa ayaw at sa gusto namen.Mahirap lang po kami at walong pamilya po ang kasama namin sa lupang yon. Hindi po kakayanin ang bayad na hinihingi niya sa loob ng anim na buwan. Ano po ang magandang gawin o may kakaunting pag asa pa po ba kami o laban? Dahil nangahas po siyang magbayad ng ganong halaga na di kami sinabihan. Siya po ang may pera kaya nagawan po niya lahat, gumamit pa siya ng koneksyon dahil dati po siyang kapitan ng aming barangay. Wala man po kameng hawak na titulo pero madami pong makakapagsabi na buhat ng taong 1930 mga lola ko na po ang naninirahan don. Ano po ang pwede naming panlaban sa kamag anak naming naglabas ng maraming pera para magpatitulo? May laban po ba kami kahit na may hawak na silang titulo na nagpapatunay na sila na ang may ari sa lupa namin?Sana po matulungan nyo po kami.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mahirap kasing magbigay ng advise ng wala akong nakikitang dokumento lalo na sa kung papaano po nagawan ng titulo ang nasabing lupain na pag mamay ari ng inyong mga lolo/lola at na acquire through succession ng magulang po ninyo. Mas mabuting you have to trace it at Municipal assessor kung saan located ang nasabing property or sa opisina po ng DENR once makakuha na po kayo ng document na ginamit po nila for transfer maaring mapawalang bisa ito but you need to consult a lawyer and bring that document po para maevaluate kung tama ba ang ginawa ng nasabing kamag anak or mali.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.