LYRICS OF TITIBO-TIBO: ANO ANG LYRICS NG KANTA NI MOIRA DELA TORRE? Iyong paboritong kanta

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

TITIBO-TIBO LYRICS 
Composer: Libertine Amistoso
Sung by: Moira Dela Torre
 
[Verse 1]
Elementary pa lang, napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae eh kasi
Imbes na chinese garter, laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa amin

[Verse 2]
Nung ako'y mag high school ay
Napabarkada sa mga bi-curious na babae na
Ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit, bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na
T-shirt at faded na lonta

[Pre-Chorus 1]
Pero noong nakilala kita
Nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at
Mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na
Sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala
Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

[Chorus]
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap

[Verse 3]
Nung tayo'y nag-college ay
Saka ko lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

[Pre-Chorus 2]
Kaya nga noong makilala kita
Alam ko na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas
Ang pagsuot ng bestidang pula
Pero 'di mo naman inasam na ako ay
Magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
Ng iyong pagmamahal

[Chorus]
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap

TALAMBUHAY NI MOIRA DELA TORRE
Nagumpisa ang karera sa pagkanta ni Moira Dela Torre sa paggawa ng mga corporate jingles (mga kanta para sa commercials), tulad ng mga jingles para sa Johnson & Johnson, Surf, at McDonalds.
 
Sumali siya noong 2013 sa The Voice of the Philippines, unang season. Humanga sa kanya si Apl.de.ap, kaya kinuha siya sa Team Apl. Ngunit hindi siya pinalad manalo at natanggal siya sa battle round.
 
“Love Me Instead” ang kanyang unang single, at rinelease ito nung 2014. Siya rin ang kumanta sa Official Soundtrack ng pelikulang Camp Sawi.
 
Salungat sa paniniwala ng karamihan, hindi si Moira ang nagsulat ng kantang “Titibo-tibo”. Ang nag-compose ng kantang ito ay si Libertine Amistoso, isang finalist sa isang songwriting competition “Himig Handog” noong 2017. Nanalo itong kantang ito ng grand winner sa taong iyon.

Noong April 2018, niyaya si Moira na magpakasal ng kanyang matagal na boyfriend (mahigit isang taon) na si Jason Marvin Hernandez. Engaged sila ngayon at pinaplano ang kanilang kasal. Noong June 2018, inanunsyo niya kung sino ang kanyang magiging wedding dress designer, at ito ay walang iba kundi si Patricia Santos, isang kilalang designer na nakagawa ng mga designs para sa ibang celebrity tulad nila Kathryn Bernardo, Coleen Garcia at Anne Curtis. Sinasabing si Patricia Santos raw ang paborito o dream wedding dress designer ni Moira. Kinuha rin ni Moira si Pat Dy bilang wedding photographer.
 
Nitong 2018, ibinahagi rin ni Moira na nagtagpo ulit sila ng kanyang ama na 12 taon na niyang hindi nakikita. Ang tagpuan ay nangyari raw noong August 2017.
 
Tunay na kahit sa murang edad pa lamang, si Moira at matagumpay sa kanyang karera. Tinataguriang at kinikilala si Moira bilang “Queen of Hugot songs” ng masang Pilipino. Narito ang iilan sa mga Hit Songs ni Moira Dela Torre:
“Home” – 2015
“Malaya” – 2016
“Sundo” – 2017
“Torete” – 2017
“Titibo-tibo” - 2017
 
Sana nawa'y nakatulong itong mga impormasyon upang maunawan ang storya sa likod ng iyong paboritong kantang song "Titibo-tibo" na kinanta ni Moira.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.