Ang sakit sa bato (o kidney disease) ay maaaring magpakita ng iba't ibang senyales depende sa yugto nito, mula sa maagang mga palatandaan hanggang sa mga sintomas ng mas advanced na kondisyon.
Narito ang mga maagang senyales at mga advanced o medyo malala na sintomas ng sakit sa bato, upang maagapan at mabigyan kaagad ng pansin:
Maagang Senyales ng Sakit sa Bato:
1. Bumubulang Ihi – Ang pagkakaroon ng protina sa ihi ay nagdudulot ng bula-bula sa itsura ng ihi.
2. Pagbabago sa dalas ng Pag-ihi – Kasama dito ang pagdalas umihi, madalas di napipigilan, o pagbabawas ng dami ng ihi, at nocturia o madalas umihi sa gabi.
3. Pagkapagod - Karaniwan nararamdaman ito ng mga may sakit sa bato, dahil sa pag-iipon ng mga toxin sa dugo at kakulangan ng erythropoietin na nakakaapekto sa produksyon ng red blood cells.
4. Giniginaw kahit mainit - Kadalasan ito ay sanhi ng anemia, o kakulangan ng mga red blood cells na nagdadala ng oxygen.
5. Kirot sa Dibdib at Hirap sa Paghinga - Maaaring mangyari ito dahil sa pagkakaroon ng likido sa paligid ng puso at baga.
6. Kawalan ng Gana sa Pagkain - Karaniwan nangyayari ito dahil naiipon ang dumi o toxin sa daluyan ng dugo, ang tawag dito ay “Uremia”.
Advanced o Medyo Malala na Sintomas ng Sakit sa Bato:
1. Pananakit sa likod o tagiliran – Ang kirot sa may bandang ibabang likod kung saan ang kidneys, ay maaaring senyales ng impeksiyon sa bato.
2. Pagmamanas o Edema – Ang pag-ipon ng likido o pagmamanas ay nagdudulot ng pamamaga, lalo na sa mga binti, bukong-bukong, kamay, paa at paligid ng mga mata.
3. Pantal at Pangangati ng Balat – Ang pag-ipon ng mga dumi o toxin sa katawan ay maaaring magdulot ng matinding pangangati at mga pantal.
4. Lasang Bakal sa Bibig - Resulta ng pagtatambak ng urea sa laway.
5. Pagduduwal at Pagsusuka - Dahil sa matinding dami ng toxin na nakakaapekto sa panunaw.
6. Hyperkalemia o Mataas na lebel ng potassium na nagdudulot ng cardiac arrest.
7. Anemia - Matinding pagkapagod dahil sa kakulangan ng mga red blood cells.
8. Pagkalito o hirap sa pag-concentrate dahil sa pag-ipon ng dumi sa utak.
Ang Omega-3 ay maaaring magpabuti ng daloy ng dugo sa kidney, na tumutulong sa pag-sala ng dugo. Dahil sa kanilang anti-inflammatory properties, maaari rin nilang protektahan ang mga kidney cells mula sa pinsala na sanhi ng kidney failure. Sa pangkalahatan, ang pagdaragdag ng Omega-3 fatty acids sa iyong diyeta ay maaaring maging isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na kidney function at pag-iwas sa mga komplikasyon sa hinaharap.
Mahalaga para sa mga taong nakakaranas ng mga sintomas na ito na humingi ng medikal na payo para sa tamang diyagnosis at pamamahala. Kung mayroon kang mga sintomas na ito o may alalahanin tungkol sa kalusugan ng iyong kidney o bato, makipag-ugnayan agad sa iyong doktor para sa nararapat na pag-aalaga.
Maagap kumpara sa Malubhang Signs ng Sakit sa Bato
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.