Miss ko mga anak ko, nasa ama nila

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po si Jane dh dito sa Muscat Oman for almost 6 years. May anak mo ako sa pinas at nsa knyang ama. Wala pong trabho ang knyang ama,at before po ako umalis sa pinas ang tatay mo ng ask mg favor na kanya daw ang anak namin pinagbigyan ko na mn po kc karapatan nya yun. Pero nitong nkaraang mga taon di na nya pinpasyal ang anak.ko sa bahay wla po akong kontak mliban sa magulang ko. Wala po sya cp ng bday mo anak ko. Nitong july 16. 6 years old na sya, pinasundo ko sa tatay ko kc hinandaan ko sya di nila binibigay anak ko,,sabi ko bkit di nila pinpahiram anak ko rin pi yun at mgulang ko nmn sumusundo di ibang tao ,yan po lng nmn hinhingi ko tpos ilang beses ko.pinapasundo kc tatawag ako sa bahay gsto ko mkausap at mg video call at miss  na rin ng mga kuya nya yung anak ko. Kasi may unang anak po ako hindi din po ako kasal. Bilang ina masakit po sakin umiiyak po ako at nagagalit di ko.po.alam ang gagawin ko,sabi ko naman kasi sa ama ng anak maghanap sya ng trabaho pra makatulong din sa sustinto sa,anak nya kc may pinapaaral din ako mga anak at di naman po ako nagpabaya. Nag bibigay nmn ako ng allowance every month sabi ko.lng tumulong din sya di puro asa nlng skin at pnay text my sakit ang bata,at dagdagan daw pera kasi di kasya. Di naman po milyon sahod ko dito. Nagpapakhirap din ako pra matustusan mga pangangailangan ng mga anak ko. Sana maintindihan din nya yun huwag nya din pagdamot anak ko rin yun huo sa knya lumaki anak ko pero ngtatrabaho po ako pra sa kanila. Naguguluhan po ako at gusto ko mkuha anak ko at doon sya sa bahay ko kasama ng magulang ko at mga kuya nya. Sana mabigyan po ninyo ako ng advice, sumisikip po ang puso ko kasi miss ko rin mga anak ko at kung mgkasakit cla di ko.mn.cla maalagaan umiiyak nlng ako at nagdarasal na makaya ko lahat ng problema ko. Salamat po sa pagbasa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Masakit mang sabihin, ang iyong kuwento ay hindi unique. Lahat ng OFW na babae na may mga anak sa Pilipinas ay talagang nadudurog ang puso kapag hindi na nila ma-contact ang kanilang mga anak. The only thing I can tell you is that your parents should go to the barangay where your son lives at doon sila maghain ng reklamo para ang bata ay dalhin sa barangay.
Ang mga magulang mo ay may mga karapatan din na makita ang iyong anak, dahil sa apo nila siya. May karapatan silang usisain ang kalagayan ng bata. May karapatan silang maka-usap ito at maipasyal. Kung magmatigas ang ama, puedeng dumulog sa husgado para hilingin na magtakda ang husgado ng oras para ang bata ay manirahan o bumisita sa bahay ng mga magulang mo.
Iyon nga lang, kailangan mo ding isipin na ang anak mo ay baka ma-trauma lalo na kung hindi na niya kilala ang iyong mga magulang. Kung hindi ka na niya kilala, baka hindi din niya gustuhin na ikaw ay makita o maka-usap. Kung nilason na ng tatay niya ang isip niya laban sa mga lolo at lola niya at laban sa iyo, ano ang laban mo doon?
Isipin mo din kung ano ang nararamdaman ng bata -- baka kaya ayaw ibigay ng ama, dahil sa nananariwa sa bata ang hinagpis ng kawalan ng ina. Naisip mo ba iyon? Children are vulnerable. Sa school, kalimitan, ina ang naghahatid. Siya, walang ina. What do you think your child feels? So, baka nalulungkot siya. Kaya din, ang ama, medyo hesitant na ungkatin pa ang mga issue na ganoon.
Mahirap talaga ang mawalay sa anak. Kaso, isipin mong ang anak mo ay may buhay din. Para sa iyo, umalis ka para magtrabaho kasi, walang economic opportunities sa Pilipinas. Pero, hindi ito batid ng bata. Para sa bata, umalis ka. Iyon lang. Iniisip niya, galit siya sa iyo dahil sa iniwan mo siya. Children are very self-centered that way.
I don't really know how to advice you. It is your parents who should work so that they can get visitation rights. Sa paraang ganoon lamang nila magagawa na maka-usap mo ang bata.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.