OFW po ako dito sa NZ. Kasal po ako pero hiwalay na kami ng asawa ko 3 years na.
Isang taon pa lang po ako dito sa NZ at ngpapadala po ako ng 3-4 thousand para sa 8 yr old na anak ko sa kanya. Ngayon po nag file ng RA9262 yung dati kong asawa kasi gusto raw po nya na mas malaki isustento ko. Ang tanong ko lang po, kung halimbawa pong continuous naman ako nagpapdala ng 4k a month uusad pa din po ba yung finile nya? At kung umusad po yung kaso, maaapektuhan po ba or malalaman po ba ng employer ko yung problema namin? I mean malalaman po nila or maiinvolve sila? Thank you po.
At papano po kung gusto kong umuwi ng Pilipinas january next year? Meron po bang grounds pra i pa hold-departure po ako?