Nababahala dahil magfile daw ng civil case laban sa akin dahil sa utang

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Isa po akong ofw dati sa Hong Kong at may naiwan po akong utang sa finance company dun na 10,000 HKD. Ngunit dahil po naghati kami ng kaibigan ko inaasahan kong sya na ang magbabayad nun dahil bago ako umalis ay binayaran ko na ang share kong 10,000 HKD nung Dec 2015 bago ako umalis na HK. Kahapon lang po, August 1, ay nakatanggap ang pamilya ko sa pinas ng sulat galing sa Enzi Corporation na pirmado ng isang Atty Pedro Leslie Salva na nagsasabing kelangan ko magbayad ng 45,000 HKD sa loob ng ilang araw dahil magfi-file na sila ng civil case laban sa akin, at travel ban including NBI at POEA case. Nababahala din po ako dahil nabasa ko din dito at sa iba pang pages online ang harrassment at embarrasement na Enzi corp. Anu po bang dapat kong gawin kung sakaling kasuhan ako at pwede po bang gawin nila yun kahit na wala naman akong kahit anumang pinirmahan sa Pilipinas at sa HK naman naganap ang utang? Paano po kapag puntahan ang pamilya ko sa Pilipinas at i-harrass sila eh wala naman po ako dun. Maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, I am so sad to tell you. Napakarami pong mga lending investor sa HK na may mga ka-tie-up sa Pilipinas. Ang ginagawa nila, nagpapa-utang sila sa mga Pilipino na OFW sa HK, tapos, kapag hindi nakapag-bayad ang OFw, ipinapasa ng lending investor ang utang sa isang Pilipino company. At ang kumpanya sa Pilipinas ang magiging collection agent nila.

Ikinalulungkot ko ding sabihin sa inyo na harassment po talaga ang ginagamit ng mga collection agent para magbayad kayo. So, ipapa-hiya kayo talaga sa lahat ng social media, etc.

Hindi po malinaw sa akin kung dalawa kayo noong kaibigan ninyo na naka-pirma sa loan agreement. Kasi, sabi ninyo dalawa kayong nangutang. Ibig sabihin ba ninyo na dalawa kayong naka-pirma sa documento ng pagkaka-utang? Kasi, kung dalawa kayo, at may resibo ka sa pangalan mo na bayad mo na ang utang mo, puede mong hamunin ang lending investor na ikaw ay idemanda.

Hamunin mo sila kasi, kung dalawa kayong naka-pirma, at binayaran mo na ang iyong kalahati, wala na silang karapatan na ikaw ay habulin. Pero, kung ikaw lang ang nakapirma, puede mo pa rin silang hamunin. Kasi, malamang sa masyadong malaki ang interes na kanilang inilagay sa utang. Kasi sa HK, ang interest ay walang ceiling hind katulad dito sa Pilipinas, ang legal interest at 6% per annum.

So kung ikaw ay idedemanda nila, puedeng mapa-liit ang bayarin. Puede din naman na makipag-tulungan ka na lamang sa lending investor. Ibigay mo sa kanila ang address ng kaibigan mo para sila ang manignil sa kanya. Puede din na ikaw ang tumayong witness para sa lending investor laban sa iyong kaibigan.

Ang pinaka-maigi, komunsulta sa isang abogado. Puede kayong humingi ng payo sa Public Attorney's Office (PAO). Kapag hinarass ang iyong mga kamag-anak sa Pilipinas, papuntahin mo sila sa Public Attorney's Office. Kapag sinira ang puri mo sa social media, maghain ng demanda laban sa kanila sa NBI. Dapat ay maturuan ng aral ang mga lending investor na huwag mang-harass ng mga taong nagkaka-utang sa kanila. Kasi, labag po ito sa batas.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming salamat po Atty. Hindi ko po sigurado kung magkanu ang interest ng lending company na yun sa HK. Regarding naman po sa pirmahan, sad to say ako lang po ang pumirma dahil sa sobrang tiwala sa kaibigan at sya ang tumayong reference para makautang ako sa bangko. Gayunpaman, wala namang obligasyon ang reference sa utang kaya parang saakin bumagsak lahat.

Nag try na din po ako mag email sa PAO to seek advice on legalities etc pero ang nareceive ko lang po sa kanila ay email na nagsasabing tutulungan ako regarding my queries if sakop sa indigent class.

Kung sakali pong idedemanda ako ng civil case gaya ng sinabi sa sulat nila - makukulong po ba ako? They also threatened to file travel ban po sa akin thru poea and nbi. Salamat po ulit sa magiging tugon.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.