Ano ang paraan para mapaupa o renta ang isang lupang rights lang ang nabili?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano yung legal na paraan para makapagpatayo ng apartment o paupahan sa isang lupang rights lang ang aming nabili? May nagbenta kasi ng rights sa aking mga magulang nung 2010, ngyon po ay gusto na sana naming patayuan ng apartment. Ano po kayang ahensya ng gobyerno ang aming dapat puntahan at mapagtanungan? Maraming salamat at nawa'y pagpalain pa tayo ng Maylikha.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi kasi malinaw sa akin ang ibig mong sabihin na "rights" lang ang inyong nabili. Kalimitan kasi ng mga taong nagsasabi nito, ang kanilang tinutukoy ay mga lupang awarded ng NHA para sa mga urban poor, informal settlers, o biktima ng mga kalamidad na nabigyan ng pabahay. Mayroon namang mga tao na bumibili ng rights sa mga pabahay na dapat ay para sa mga sundalo, guro, o iba pang mga kawani ng gobyerno na may murang pabahay. So, hindi ko sigurado kung alin sa dalawang ito ang iyong tinutukoy.

Ang problema kasi dito, kung ang lupa ay awarded ng NHA, may kundisyon ang pag-award ng lupa -- ang kundisyon ay, hindi maaaring ibenta ng Awardee ang lupa sa kahit na kanino habang hindi pa ito tapos bayaran. So, malamang sa ilalim ng ganitong situwasyon, ang lahat ng papeles pati na ang titulo ng lupa at mortgage ay nasa pangalan ng Awardee. Hindi ninyo ito mailipat sa pangalan ninyo hangga't sa hindi ito fully paid.

Maaaring i-fully pay ninyo ito, tapos ay ipalipat sa pangalan ninyo ang titulo. Puede din naman na mag-pa gawa kayo at magpa-pirma kayo ng SPA doon sa Awarded para kayo ang magkaroon ng power na makipag-trato at makipag-transaksiyon sa gobyerno para mapatayuan na ng apartment na paupahan ang inyong nabiling lupa.

Kailangan ninyo ng building permit so it ay sa City Engineer's Office. Kailangan din ninyo ng clearance mula sa iba't ibang ahensiya sa munisipyo (fire department para sa electrical wiring, etc.) at kailangan ding idecklara ninyo ang value ng bagong itatayong gusali para ito ay mabuwisan o real property tax sa munisipyo ninyo.

Sa bawat munisipyo ngayon, may mga one-stop shop silang tinatawag. Doon na lamang kayo pupunta at magta-transaksiyon. Pumunta po kayo't makipag-ugnayan sa inyong munisipyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.