Financer ng pera na ang collateral ay mga ATMs

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Meron po akong legal matter na ikokonsult. Meron po akong financer ng pera na ang collateral ay mga ATMs. May 10% na tubo per month. Ako po ang acting na guarantor ng mga borrower sa opisinang pinapasukan ko. Karamihan po sa mga napapautang namin ay katrabaho. Ngayon po ang problema ay may ibang pinapautang na ako na ang kumukuha. Kumbaga nakikiride ako sa atm ng mga kasama ko ng di nila alam. Binabayaran ko to kada sahod. May times din po na nagbibigay ako ng hindi gumaganang atm para po makapagrenew sa financer ko at yun ang ginagamit kong pambayad sa mga di na kayang mabayaran ng sahod ko. Mahigit isang taon na po namin tong ginagawa ng financer ko ng bigla akong umamin na may mga nakuha ako since wala na po talaga akong maipambabayad. Kinuwenta nila ang utang ko kasama tubo at umabot ito ng 800k+. Nagkaroon kami ng kasulatan ng financer ko at nangako akong magbabayad. Binigyan nila ako ng almost 2 weeks na mabayaran ang buong halaga base na rin sa pangako ko. Sinabihan nila ako na wala silang pagsasabihang iba at di daw ako irereport sa mga kasamahan ko. Ang nangyari, chinat ni financer ang iba kong kasamahan at nalaman nila ang ginagawa ko. Ang ginawa ng iba, binlock ang mga atm nila at sinabihan akong di na sila magbabayad kahit may kulang pa sila dahil na rin sa nagawa ko. Hindi rin daw nila ako sasampahan ng kaso sa paggamit ng atm nila dahil naawa sila para sa mga anak ko. Ang sabi nila. Hahayaan nila akong makipagdeal sa financer ko mag isa. Ngayon po ,since may natitira pang atms sa financer ko, ang gusto nyang mangyari, kunin ang lahat ng mga sahod ng kasamahan ko at itapal sa utang ko. Ang ginawa ko para di ako mareport ay sinabihan ko na yung iba tungkol sa ksalanan ko at napag isipan nilang iblock na rin ang card nila. Ngayon po nalaman ng financer ko at sinabihan ako na sasampahan ako ng kaso. Ano po bang kasong maisasampa saken? At ano po ba ang procedure? Madadampot po ba ako agad ng pulis? Ano pong pwede o maaari kong pagdaanan?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sa totoo po, napaka-gulo po ng kuwento ninyo, hindi ko halos masundan.
I don't think na kayang magdemand ng inyong financer kasi, labag po sa batas ang pagkuha ng ATM ng kahit na sinong tao. At ang isa pa, ang 10% po na interest every month ay usurious kasi po, sa isang taon, ang interest rate ay aabot sa 120% per annum -- sobra sobra pong interest ito kasi ang legal rate of interest lamang ay 6% per annum.
Ngayon, having said that, hindi ko alam kung ikaw ay may mga pinirmahan sa financer mo. Hindi ko alam kung may kasulatan kayo sa pagiging guarantor mo. So, hindi ko alam kung ikaw ang puede niyang singilin kung hindi na magbayad ang mga office mates mo.
Ang problema mo ay kung may pinirmahan ka na promissory note para doon sa mga nakuha mo. Hindi ko alam kung ano ang inilagay mo doon. So, hindi ko masasabi kung ano ang maaariing mangyari sa iyo mula doon sa pinirmahan mo.
Ang pinaka-maigi, pumunta ka sa isang abogado at ikaw ay humingi ng advice dalhin mo ang lahat ng papeles na nasa iyo, kung may mga text or email ang financer mo, i-save mo. puede mo itong ebidensiya. Kung tatawagan ka niya, sikapin mong i-record ang conversation ninyo. Evidence mo din iyon.
I cannot really advise you as I have not seen any documents at hindi ko rin masabi na naiintindihan ko kung ano ang nangyari o kung paano mo nakuha ang mga pera mula sa ATM ng mga kasamahan o sa opisina. I don't think I want to know.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.