Ano mabisang gamot para sa pampatulog? Ano sanhi

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

May problema po ako ngayon madalas po kasi hindi ako makatulog, inaabotan ako nang madaling araw bago ako makatulog. Tanong ko lang po normal lang po ba yan? Bakit po ganun, ano dahilan? I hope matulungan ninyo ako. Ano po mabisang lunas o gamot o solusyon? God bless po sa makasagot. Thanks

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Ang trabaho may ba ay kinakailangan na gising sa gabi at puyat sa umaga, o sadyang hindi ka lamang matulog? Maraming pwedeng dahilan ng hirap sa pagtulog kadalasan ang hirap sa pagtulog ay insomnia ay may kapareha ng anxiety o depression. Subukan uminom ng gatas bago matulog o kaya ay makinig sa kalmadong musika kung ito ay hindi makakatulong ay baka kailangan mo nang pumunta sa doktor. May mga gamot na nakakatulong upang makatulog ng maayos ngunit kailangan ng prescription nito bago makabili.
Janine Escodero
is a non-Filipino member from the Philippines Medical History
Salamat po sa sagut.. Opo may schedule rin ako pang Gabie..baka yun sguro ang dahilan.. Salamat po talaga.. Follow up question ko po pwde po ba ako uminon nang alak kagaya po nang redhorse o anu pa para makatulog ako ??
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Ang problema sa pag tulog or insomnia ay maraming dahilan pwedeng ito ay pisikal na sintomas ng sakit or psychological na problema. Kailan po nagsimula ang inyong insomnia? May mga bagbabago ba sa inyong routine bago kayo nagsimulang mag ka insomnia? May mga bagong stress kayong nararanasan sa ibat ibang aspeto ng inyong buhay? Maaaring ang mga ito ay makaapekto sa inyong pag tulog. May iba pa po ba kayong nararamdaman tulad ng padala ng pagihi kahit gabi or natutulog?
Ang maari nyong gawin ngayon ay ang pag establish ng sleep hygiene or routine sa pag tulog. Kasama dito ang pag set ng regular na oras ng pag tulog, pagiwas sa mga gadgets or trabaho sa Lugar ng inyong tulungan at pagiwas sa mga pag kain o Di kaya inumin na makakasagabal sa pag kaantok. Iwasan nyo rin po ang paginom ng kape ilang oras bago ang tinalagang oras ng pag tulog. Maaari din kayong uminom ng maligamgam na gatas bago mkatulog o Di kaya tsaa na chamomile. Kung hindi naibsan ang inyong insomnia, mas mainam na magpakunsulta sa inyong doctor.

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.