Laging naiihi, tumataas timbang, sumasakit ulot. Buntis?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Noong nakaraang Nov 3 po may nangyari po samin ng bf ko. Hindi po siya sex talaga. Habang hinahand job ko po siya ay may lumabas sa kaniya pero hindi po cum kasi kaunti lang po tapos mga ilang minuto aksidente ko pong nalagay yung kamay ko sa ano ko. Hindi ko po pinasok bale nadampi lang po siya sa pinakaguhit tapos lagi na po akong naihi minsan sakit po ng ulo dahil malabo din po mata ko kaso wala po akong salamin eh mataas po grado. Tapos nagpregnancy test po ako since kinakabahan po ako nung Nov 17. Negative po tapos another take nung bandang 25 negative din po.

Nagkaroon po ako nung 26 hanggang 29. Nagpapalit din po ako pad kasi napupuno ang last regla ko po nung Oct ay nung 25 po ata. Basta po 25 meron pa po ako, yun po ata yung first day ko. Hanggang ngayon lagi po akong naiihe tumaas din po timbang ko ng 4 kilos ano po kaya ang problema ko?

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Kung ang unang araw ng iyong regla ay noong Oct 25 at may nangyari sa inyo nooong Nov. 3, ikaw ay wala pa sa iyong fertile period at malayong ikaw ay magbuntis. bukod pa dito, nabanggit mo din na hindi naman nilabasan ang iyong partner sa loob ng iyong ari. Ang madalas na pag-ihi kaakibat ng pagbubuntis ay nangyayari lamang kapag sobrang laki na ng tiyan ng isang babae at naiipit ang bladder nito. Ang madalas na pag-ihi sa regular na indibidwal ay maaring sanhi ng impeksyon sa ihi o kaya naman ay dahil sa pagtaas ng sugar sa katawan. mainam na ikaw ay magpatest upang makasiguro.
Recommend Report abuse
Beatrice Mendoza
is a Factory Worker in the Philippines Medical History
Salamat po Doc! Pero kung ipagpapalagay ko pong last day po ng regla ko 25 masasabi niyo po bang fertile po ako nung 3? Possibke po bang mabuntis ang babae ng hindi pinapaasok amg ari ng lalaki at tanging sa daliri na may ano na nadampi sa pagkababae nito ngunit hindi pinasok sa loob possible po ba?
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ang fertile days po ba is 2 weeks kasama yyng first day mo ng period?
Recommend Report abuse
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Yes. 2 weeks mula sa unang araw ng huling regla
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Dok pasingit lang po so sa 2 weeks na yun fertile ka or yung after 2 weeks ka fertile? Confused much.
Recommend Report abuse
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
After the first 2 weeks ka fertile. Typically ang Menstrual Cycle ng isang babae ay 25-32 days, average ay 28 days. Ang pagbilang ay mula sa unang araw ng iyong huling regla. Day 1-7 (madalas 3-7): pagreregla ng kababailhan Day 8-12: ang paghahanda at pangangapal ng matres para sa posibilidad ng pagbubuntis. Day 14 (day 12-16): ang ovulation o paglabas ng itlog mula sa obaryo. Ito din ang panahon kung saan ang babae ay matuturing na fertile o maaring magdalang-tao kung nakipagtalik sa mga araw na ito. Day 17 onwards: ito ang panahon kung saan maaring mangapal pa ang matres kung ikaw ay nabuntis OR ang panahon na ang namuong dugo ay magsisimulang numipis kung ikaw ay hindi nagbuntis at niregla.

Recommend Report abuse
Beatrice Mendoza
is a Factory Worker in the Philippines Medical History
Salamat po Doc! Pero paano po kung ipagpapalagay ko pong last day po ang 25 masasbi niyo po bang fertile na po ako ng Nov 3? Tsaka possible po bang mabuntis ng ganon? Di po nilabasan ng lalaki sa loob ng babae gamit lang po ang kamay na may ano at naipahid ito sa ano niya pero hindi pinasok sa loob? Salamay po pasensiya na po!
Recommend Report abuse
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Tulad ng nabanggit ko, ang pagbibilang sa iyong menstrual cycle ay mula sa unang araw ng iyong huling regla, hindi sa last day ng iyong regla. Kailan ba ang unang araw ng iyong regla? Alos, kung hindi ka nilabasan sa loob at tanging dampi lamang ang napunta sa iyong pwerta, mababa ang posibilidad na ikaw ay mabuntis
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
21 po ata ako nagkaregla noong October po yun po ang simula nasa fertile window po ba ako ng nov 3? Nagkaregla din po ako noong Nov26-29 pero hanggang dun lang po inaalala ko po kung period po ba ito o implantation bleeding sa loob po ng 4 na araw na iyan lalo na po sa first day malakas po regla ko kinakailangan ko papo magpalit ng napkin at may time na napuno po siya between 2-7 pm ganun po puno po siya ano po masasabi niyo dito? Maraming salamat po talaga napaparanoid na po ako.
Recommend Report abuse
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Kung noong 21 ang regla mo noong october, most likely monthly period mo din yung nagstart ng Nov 26. Typically ang Menstrual Cycle ng isang babae ay 25-32 days, average ay 28 days. Ang pagbilang ay mula sa unang araw ng iyong huling regla. Day 1-7 (madalas 3-7): pagreregla ng kababailhan Day 8-12: ang paghahanda at pangangapal ng matres para sa posibilidad ng pagbubuntis. Day 14 (day 12-16): ang ovulation o paglabas ng itlog mula sa obaryo. Ito din ang panahon kung saan ang babae ay matuturing na fertile o maaring magdalang-tao kung nakipagtalik sa mga araw na ito. Day 17 onwards: ito ang panahon kung saan maaring mangapal pa ang matres kung ikaw ay nabuntis OR ang panahon na ang namuong dugo ay magsisimulang numipis kung ikaw ay hindi nagbuntis at niregla.AGAIN, tulad ng sinabi ko mula sa umpisa ng thread na ito, ito ay nakipagtalik sa araw na ikaw ay hindi pa fertile kaya mababa ang chance na ikaw ay mabuntis.Also, kung ang last sex nyo ay noong NOv 3 na di naman talaga sex dahil di naman nya ipianasok at nagkaregla ka na ng November 26, I don't see why you are still worried about being pregnant.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc pasensiya na po at maraming maraming salamat po doc! Medyo naparanoid lang po kasi may mga nararamdaman ako. God Bless po.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
3 days lang po pala ako :(
Recommend Report abuse

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.