Na Scam ako sa credit card. May tumuwag sakin at nagpakilala na taga banko. First time ako nagka credit card and kunti lang alam about it, naniwala ako at binigay ko lahat ng hiningi for verification pati na OTP na inakala kong verification code lang to verify my account yon lang purchase verification code na pala.
After kong nalaman na scam, binaba ko agad ang tawag at tumawag sa Fraud Department. Ni report ko na na scam ako at na block ang account ko pero na push through yung transaction sa Shoppee.
Nagfile ako ng dispute letter since ni report ko naman agad at may time pa na e revert ang transaction pero wala ginawa ang banko at declined yung dispute.
Wala akong nabayaran kahit piso at 3years na ang utang at tawag ng tawag ang collection agency at sinasabing nasa litigation department na daw ang account.
Yung original amount is 34k Php at nag settle na sa 61kPhp including interest.