Malalaman po ba ng isang tao kung siya ay inireklamo o pinablotter? May paraan po ba na malaman ng isang tao na siya ay kinasuhan? Nahihirapan na po kasi ako, sa loob ng 3 taon po, simula ng umalis ako sa dati kong trabaho, hindi na po nawala sa isip ko yung bagabag. Araw araw nalang po ako na nag-iisip na magpakamatay nalang kasi hindi ko na po alam anong gagawin ko. Gusto ko po sanang kumuha ng police clearance o nbi clearance pero natatakot po ako na baka kapag kumuha ako e damputin nalang ako ng biglaan na baka may kaso na pala ako ng di ko alam. Sana po masagot ninyo etong katanungan ko. Pasensya na po.
Maari nyo po ba akong matulungan, maraming salamat po.