Maling Pagkain ng Bawang na di makuha sustansya: Kasama ba Balat? Luto o Hilaw? Hiwain pa? Gaano Karami? Paano Ihanda?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Alam naman natin na masustansya ang bawang. Ngunit akala ng karamihan sa atin ay pwede na lang basta ngatngatin ito ng buo, at kahit gaano karami ang kainin ay pwede. Di pala ganun kasimple, dahil may mga maling paraan na maaaring makasama o hindi makuha ang sustansya nito.
 
Bago ang lahat, mahalaga munang alamin ang mga benepisyo ng bawang sa kalusugan tulad ng: Pampalakas ng ating immune system, pampababa ng blood pressure, pampalusog ng puso, pangiwas sa cancer, panlaban sa arthritis, at marami pang iba.
 
Ngunit ang mahalagang tanong ay, paano ba ito kakainin, para makuha o mapiga ang sustansya? Halimbawa, lulutuin ba o hilaw lang? Tatangalin ba ang balat o hindi na? Hihiwain ba o mas maganda kainin ng buo? Gaano karami pwedeng kainin? Gaano kadalas? Kelan kakain ng hilaw at kelan mas mabuti ang luto?
 
Iilan ito sa mga importanteng katanungan na kelangan malaman, kundi ay walang halaga ang kaalaman na masustansya ang bawang, kung mali naman ang pagkain nito.
 
Sa videong ito, hihimayin natin itong mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paghanda at pagkain ng bawang, para makuha ang sustansya nito, at maiwasan ang mga side effects.
 
Una sa lahat, alin ang mas masustansya, hilaw o luto na bawang?
May kanya-kanyang benepisyo sa kalusugan ang hilaw at lutong bawang, ngunit nagkakaroon ng bahagyang pagkakaiba sa mga benepisyo dahil sa mga kemikal na pagbabago kapag niluto na ito.
Ang bawang ay naglalaman ng isang kemikal na tinatawag na allicin, na may maraming benepisyo sa kalusugan. Ang allicin ay may antimicrobial, antiviral, at antifungal properties at napag-alaman na nakakatulong ito na bawasan ang pamamaga, nakakababa ng presyon ng dugo, at mapabuti ang kalusugan ng puso. Ngunit kapag niluto ang bawang, nababawasan ang allicin nito.
Sa kabilang banda, bagamat ang lutong bawang ay nababawasan o nawawalan ng allicin pag naluto, maaaring madagdagan ang bioavailability ng iba pang kapaki-pakinabang na mga compounds, tulad ng antioxidants, kapag niluluto ito. Halimbawa, mas mataas ang antas ng mga compound tulad ng S-allyl cysteine, na napag-alaman na lumalaban sa cancer, sumosuporta sa kalusugan ng atay, at nakakababa ng blood sugar level.
Kaya’t parehong may benepisyo sa kalusugan ang hilaw at lutong bawang, at mabuting parehas na kinakain ito. Ipapaliwanag din namin maya kung gaano karami at paano ihahanda ito.
 
Kung hilaw kakainin ang bawang, buo, o hihiwain pa o paano ihanda?
Para makuha ang katas ng allicin mula sa hilaw na bawang, mas mainam daw na dikdikin o hiwain muna ito at iwanan ito ng mga 10 minutes bago kainin. Nabubuo ang allicin kapag nadidikdik o nahihiwa ang bawang.
 
Pero bagamat pinapayong mas mabuting parehas kumain ng hilaw at lutong bawang, may mga sitwasyon na mas mainam na kumain ng luto na bawang. Kelan nga ba mas mabuting kumain nalang ng lutong bawang kesa sa hilaw?
Mas mainam kumain ng luto na bawang sa mga sumusunod na sitwasyon:
a.     Gastro-intestinal issues – Matapang ang hilaw na bawang at maaaring sikmurahin o magsanhi ng impatso sa ilang tao. Kaya’t maaaring mas banayad sa tiyan ang pagkain ng lutong bawang kapag mabilis sikmurain o sumakit ang tiyan. Lalo na’t meron rin naman sustansya ang luto na bawang.
b.     Bad breath at Pangangamoy ng katawan – Mas di gaanong matapang ang amoy ng lutong bawang, kaya’t mas maiwasan ang pangangamoy sa katawan kapag kumain ng hilaw na bawang.
c.     Ngipin at panlasa – Tulad ng nabanggit, may matapang na lasa ang hilaw na bawang, na  maaaring magsanhi ng iritasyon sa bunganga, ngipin at gilagid. Samantala, ang luto na bawang ay mas banayad ang panlasa.
 
Kung lulutuin ang bawang, paano dapat ito lulutuin para di mawalan ng sustansya?
May 3 pinapayong paraan sa pagluto ng bawang para mapanatili ang sustansya. Maaaring ihawin, lutuin sa oven o gisahin para mas madali. Pag iihawin o lutuin sa oven, mabuting dikdikin din muna, tapos ilagay sa aluminum foil para di mahulog. Ihawin ito sa low heat ng mga 10-15 minutes, hanggang medyo lumanbot ito. Para sa mga walang oven o pang-ihaw, maaaring igisa nalang. Balatan ang butil ng bawang, hiwain, at igisa sa kaunting mantika sa mababa o low heat, para di masunog. Igisa ito ng mabilis o mga 3 minutes lamang.
 
Gaano karaming bawang pwedeng kainin sa isang araw?
Depende sa tao, pero karaniwang mas mainam na kumain ng mga 2 butil lang sa isang araw.
 
So paano ko dapat kainin ang bawang?
Sa madaling salita, maaaring kumain ng 2 butil ng bawang sa isang araw: Isang butil na hilaw, at isang butil na luto, para makuha ang benepisyo ng bawat isa.   
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.