Masama ba araw-araw mag-Salsal?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas magkakaiba ang sinasabi ng mga tao, kasama mga kumakalat na tsismis at maling impomasyon, tungkol sa kung ang pag-salsal ba ay masama para sa iyo o hindi.
 
Sa videong ito, tatalakayin ang nakakahiyang tanong na madalas naiilang pagusapan ng karamihan. Ito ba ay kung masama magparaos sa sarili, lalo na kung madalas? At kung di naman, gaano kadalas pwede, para di makasama? Ano ang maaaring masamang epekto kung sakali man? May masamang epekto ba ito sa kalusugan o isipan?

Una sa lahat, alam natin na ang pagsalsal ay nagdudulot sa iyong katawan ng paglabas ng ilang hormones. Ang pagsalsal ay maaaring umudyok ilabas ang mga hormones na may positibong epekto sa iyong mood at kalusugan ng katawan. Halimbawa, ang dopamine, endorphins, at oxytocin ay mga tinatawag na "happiness hormones" na konektado sa paglabas ng stress at pampa-relaks. May mga pagkakataon din na ang pagsalsal ay maaaaring makatulong sa pakiramdam kapag nalulungkot, base sa mga pagaaral. Habang ang oxytocin naman ay kilala bilang "love hormone" na konektado sa pagkakaroon ng konesksyon ng mag partner.
 
Ayon sa isang pag-aaral noong 2005, mahalaga ang oxytocin sa paglabas ng stress at pagbawas ng pag-aalala. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbaba ng blood pressure at cortisol levels. Ang cortisol ay isang hormone na konektado sa stress. Kaya, kung nais alisin ang pagod pagkatapos ng isang mahirap na araw sa trabaho, may mga taong ginagawang paraan ang pagsalsal!
 
Maaari rin itong makatulong na makatulog. Base sa kwento ng maraming tao, nakakaantok pagkatapos magsalsal - at siguro hindi rin nakakapagtaka. Ang oxytocin at endorphins ay konektado sa pamparelaks, kaya't nakakatulong ang pagsalsal sa iyong tulog, lalo na kung ang stress at pag-aalala ay nagiging sagabal sa iyong pagtulog.
 
Ngunit hindi laging positibo ang mga epekto. Kahit na mayroong napatunayang mga benepisyo, may mga tao na may masamang karanasan sa pagsalsal. Maaaring ayaw mo ang pakiramdam, o labag ito sa iyong paniniwala o relihiyon, o maaari ring wala kang interes dito. Ok lang naman iyon! Piliin mo man gawin o ayaw mo magsalsal, nasa iyo ang desisyon. May mga tao na nakakaranas ng mga negatibong damdamin, dahil masama ito sa tingin ng lipunan o espiritwal na aspeto. Halimbawa, sa ilang mga relihiyon, itinuturing na kasalanan ang pagsalsal.
 
Kaugnay dito, kelangang banggitin na walang direktang nakasaad  sa Bibliya na bawal magsalsal. Ang maraming teksto sa Bibliya ay naglalaman ng mga prinsipyo ukol sa kalinisan at moralidad sa sekswal na aspeto, tulad ng wag makiki-apid sa hindi mo asawa o asawa ng iba. Ngunit walang malinaw na pagtukoy sa pagsalsal. Ganunpaman, ang ilang interpretasyon ng iba't ibang denominasyon ng Kristiyanismo ay maaaring magbigay ng kanilang sariling kahulugan ukol dito. Ganoon din ang Islam, kung saan walang direktang nabanggit sa Quran o Hadith tungkol sa pagbabawal sa pagsalsal. Ngunit maaaring may iba’t ibang interpretasyon ang mga Islamic scholars.
 
Marami pa mga stigma sa lipunan tungkol dito: May mga naniniwala na hindi dapat magsalsal ang mga babae o ito ay di-moral. At huwag nating kalimutan ang mga panakot ng ilang mga matanda tungkol dito. Madami sa atin ang nakarinig na ang pagsalsal ay nagdudulot ng pagiging bulag o lumalaki ang buhok sa mga kamay – na parehong di base sa siyensiya, pero laganap ang paniniwala sa mga kabataan! Sa mga nagsalsal na nakakarinig ng ganun, maaaring makaranas ng damdamin na guilt, pagkabalisa, hiya, o self loathing o naiinis sa sarili pagkatapos.
 
Tungkol naman sa gaano kadalas ang maaaring magsalsal, wala namang itinatakdang patakaran kung gaano kadalas. May mga lalake na araw-araw ito ginagawa at may iba na halos hindi rin. Hindi mahalaga kung gaano kadalas, kundi kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa sarili.
 
Narito rin ang ilan pa sa mga posibleng negatibong epekto sa katawan ang sobrang dalas sa pagsalal:
Irritasyon o Sobrang Pagkakasugat: Ang madalas na pagkiskis ay maaaring magdulot ng pagkakairita o pagkasugat ng genital area.
Pagkapagod o Fatigue: Ang labis na masturbation ay maaaring magdulot ng panghihina at pagod.
Negatibong Epekto sa Emosyonal na Kalusugan: Para sa ilan, ang sobrang pagkakasalsal ay maaaring magdulot ng panghihinayang o takot, na maaaring makaapekto sa emosyonal na kalusugan.
Pagiging hadlang sa Iba't ibang Gawain: Kung ang pagkakasalsal ay nagiging pangunahing focus ng isang tao, maaaring maging hadlang ito sa iba't ibang aspeto ng buhay, tulad ng trabaho, relasyon, o iba pang personal na layunin.
 
Mahalaga pa rin ang tamang balanse at pag-unawa sa sarili. Ang mga negatibong epekto ay madalas kaugnay sa labis na paggawa nito. Kaya’t ang tamang balanse at pag-unawa sa sarili ang mahalaga. Kung nararamdaman mo na ito ay nakakaapekto na sa iyong kalusugan o pang-araw-araw na buhay, maaaring makatulong ang pagkonsulta sa propesyonal na pangkalusugan, tulad ng doktor o psychologist.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.