Masama ba araw-araw makipag siping o mag-contact?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang dalas ng pakikipagtalik ay isang personal na desisyon na dapat pag-usapan ng mag-asawa o mag-partner, dahil maaaring magkaroon ito ng iba't-ibang epekto sa pisikal at emosyonal na kalusugan.
 
Pag-uusapan dito sa Buhayofw.com kung may epekto ba ang araw-araw na pakikipagtalik ng babae at ng lalake.

Maaaring magdulot ng positibong epekto ang regular na pakikipagtalik, tulad ng pagpapabuti ng mood, pagtaas ng antas ng ugnayan ng relasyon, at pagpapababa ng stress. Subalit may mga kondisyon din na kelangan ingatan sa pakikipagtalik, tulad ng:
 
Iritasyon: Ang madalas na pagkiskis tuwing nakikipagtalik ay maaaring magdulot ng iritasyon tulad ng pangangati o pamamaga. Lalo na’t kapag tuyo ang ari o walang natural na dulas o basa na lumalabas sa babae.
 
Transfer of Fungi: Maaari ding magpalala sa infection ang madalas na pakikipagtalik, dahil sa posibleng palipat-lipat na fungal organisms sa mag-partner. Dahil dito, hindi gumagaling ang infection ng bawat isa.
 
Pagbabago sa katawan: Ang sexual activity ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa pH balance at bacteria sa ari ng babae, na maaaring magbigay daan sa pagdami ng yeast.
 
Para sa mga babae, ang vaginal discharge ay normal na bahagi ng reproductive system ng kababaihan. Ito ay maaaring magbago depende sa iba't ibang mga kadahilanan tulad ng menstrual cycle, pagbubuntis, at hormonal changes. Ang dalas ng pakikipagtalik ay isa sa mga bagay na maaaring makaapekto sa dami at dalas ng vaginal discharge.
 
Sa ilang mga kaso, ang mas madalas na pakikipagtalik ay maaaring magdulot ng pagdami ng discharge bilang isang natural na proseso ng natural na paglilinis ng vagina, dahil ang ari ng babae ay may self-cleaning mechanism, kung saan ito ay naglalabas ng likido upang panatilihing malinis ang ari. Ganunpaman, kung ang discharge ay nagiiba ng kulay, may amoy, o kaya'y nagdudulot ng pangangati o sakit, ito ay maaaring indikasyon ng isang medikal na problema tulad ng impeksyon at dapat ikonsulta sa isang doktor para sa diagnosis at paggamot.
 
Ang yeast infection ay isa sa mga kondisyon na maaaring makaapekto sa dami at kalidad ng vaginal discharge. Tinatayang, hanggang nasa 75% ng mga kababaihan ang makakaranas ng kahit isang episode ng yeast infection sa kanilang buhay.  Ang mga sintomas ng yeast infection ay maaaring mag-iba-iba pero karaniwan ay kasama ang makapal, puting discharge na walang amoy o may konting amoy ng tinapay o beer. Maaari ring maranasan ang pagkakaroon ng pangangati, pamumula, o sakit sa paligid ng ari.
 
Madalas, ang yeast infection ay nangyayari kapag ang natural na balance ng yeast at bacteria sa vagina ay nagiging imbalanced, na nagiging sanhi ng pagdami ng yeast cells. Ito ay maaaring may iba't-ibang mga kadahilanan tulad ng paggamit ng antibiotics, pagkakaroon ng mataas na antas ng sugar sa katawan, o hormonal changes.
 
Kahit na kung ang pakikipagtalik ay hindi ang sanhi ng yeast infection, maaaring magdulot ito ng iritasyon na magpapalala sa mga sintomas. Ang pakikipagtalik din sa taong may yeast infection ay maaari ring magdulot ng pagkalat ng impeksyon.
 
Kung ikaw o ang iyong partner ay may yeast infection, mahalaga na itigil muna ang pakikipagtalik hanggang sa matapos ang paggamot para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
 
Para sa kalalakihan, ang araw-araw na pakikipagtalik ay hindi karaniwang nagiging sanhi ng seryosong medikal na problema, ngunit may mga potensyal na issues na maaaring lumitaw:
 
Panghihina: Ang araw-araw na pakikipagtalik ay maaaring maging sanhi ng pagkapagod o kahinaan.
 
Iritasyon: Ang sobrang pagkiskis ay maaaring magdulot ng sugat o hapdi sa balat ng ari.
 
Panganib magkaroon ng Sexually transmitted infection o STI: Ang mas madalas na pakikipagtalik, lalo na sa iba’t ibang partners at walang proteksyon, ay nagtataas ng tsansa na magkaroon ng STDs.
 
Sakit sa Prostate: May ilang pag-aaral na nagpapakita na ang dalas ng
pakikipagtalik ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng prostate sa bandang pantog. Ngunit ang ebidensyang ito ay hindi pa sigurado.
 
Pagkabalisa: Ang pressure na maka-porma araw-araw ay maaaring magdulot ng stress o pagaalala, na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan.
 
Mahalagang tandaan na ang lalim ng pagsasama at ang mutual consent ng mag-partner, o parehas na nasa mood, ay mas mahalaga kaysa sa dalas ng pakikipagtalik.
 
Maraming maraming salamat po. Di po namin magagawa ito kundi sa suporta at pagmamahal nyo. Sobra na namin kayo mahal. Kiss mwah!

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.