May kinalaman ba sa scoliosis o rheumatoid arthritis ??

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Gusto ko lang po malaman kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. Habang ako ay nasa opisina, biglang pananakit sa likod ang aking naramdaman at pangangatog ng buong katawan sanhi upang mahirapan ako maglakad. Sinundo ako ng asawa ko at kinahapunan ay pumunta kami sa ospital, ang sabi naman ng dokotor ay maayos naman daw ang resulta at malamang ay pagod lamang. Makalipas ang ilang araw ay hindi nawawala ang pananakit ng aking kanang paa na kung saan nahihirapan akong iikot ito pero medyo nakakalakad naman ako. Makalipas pa ang ilang araw ay unti unti na kong nakakaramdam ng bahagyang pananakit ng mga daliri sa paa at matapos pa ang ilang araw ay sumunod naman ang pananakit ng pagitan ng aking hinlalaki at isa pang daliri sa aking kaliwang kamay. Sa tuwing paggising ko ay mas nararamdaman ko ang pananakit ng aking mga daliri sa kaliwang kamay at bahagyang paninigas din nito kasabay ng sa mga daliri ko sa paa. Mayroon akong bahagyang barado sa puso at thoracic dextroscoliosis, may kinalaman ba ito sa aking mga nararamdaman? Nung nagresearch naman ako parang tumutugma ito sa sintomas ng isang taong may rheumatoid arthriris? Paano ba mlulunasan ito kung kami ay sobrang kulang sa pinansyal?? Sana masagot po


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Menchie Barlan
is a Pharmacist in Australia
Ang Rheumatoid Arthritis (RA) o rayuma ay isang pangkarinawang pang-matagalang sakit ng mga apektadong kasukasuan. Samantala ang scoliosis ay ang abnormal na pagkahukos o pagbaluktot ng gulugud. Dextroscoliosis ay pangkaniwang klase ng scoliosis. Kung ikaw ay nakararanas ng rayuma, ito ay maaaring magdulot ng pagdeteryora ng disc kung saan humahantong sa pagbaba ng antas ng scoliosis. Makatutulong ang tamang ehersisyo at lifestyle upang maibsan o mabawasan ang sakit na iyong nararamdaman. Makabubuti rin kung iyong ipasusuri sa espesyalista upang mabigyan ng tamang lunas ang iyong sakit.

Narito ang mga artikulong handog n gating mga eksperto upang inyong lubos na maunawaan ang sakit na rayuma at scoliosis.

http://www.buhayofw.com/medical-advice/work-related-illnesses-of-ofws/arthritis-o-sakit-sa-buto-at-kasukasuan-sanhi-lunas-gamot-paano-ma-534f202f840d2

http://www.buhayofw.com/medical-advice/other-diseases-of-ofws/scoliosis-o-pagkakuba-sanhi-lunas-gamot-sintomas-treatments-53648fb23d12c

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.