Ano ang Lung Cancer, Kanser sa Baga? Sintomas, Sanhi, Gamot, medication, Lunas, symptoms, cure

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang lung cancer o kanser sa baga ay isang klase ng kanser na nagsisimula sa baga. Ang iyong baga ay dalawang parang spongha na organ nasa loob ng iyong dibdib na siyang naglalaman ng hangin kapag tayo ay humihinga at naglalabas ng carbon dioxide. Ang lung cancer ang siyang nangungunang kanser na nakamamatay sa isang kilalang bansa sa pawang mga kababaihan at kalalakihan. Ang lung cancer ay mas marami pang kinikitil na buhay kada taon kahit pa pagsamahin ang mga namatay mula sa colon, prostate, ovarian at breast cancers. Ang mga taong mahilig manigarilyo ang may pinakamataas na tsansa na magkaroon ng lung cancer. Ang pinsala ng lung cancer ay lalo pang tumataas kasabay ng haba ng panahon at dami ng sigarilyo na iyong naubos. Kapag ikaw ay tumigil manigarilyo, kahit matapos ka pang manigarilyo ng maraming taon, ay maaari mo pa ring mabawasan ang iyong tsansa na magka-lung cancer. Ang kabuuang resulta ng lung cancer kapag natukoy ay hindi masyadong maganda dahil karaniwang napag-aalaman lang ito na nasa malubha na itong estado.

Ano ang Sanhi ng Lung Cancer? / Hinungdan, Causes

Ang paninigarilyo ang pinakamalaking sanhi ng lung cancer – parehong sa mga naninigarilyo at mga taong napapaligiran ng mga taong naninigarilyo at nasisinhok ito (secondhand smoke). May 90% ng lung cancer ang nagmumula resulta ng paninigarilyo. Ang tsansang magkaroon ng lung cancer ay mas tumataas sa dami ng sigarilyo na naubos sa mahabang panahon. Sa mga taong naninigarilyo ng dalawa o tatlong pakete ng sigarilyo kada araw, isa sa bawat pito ang namamatay. Ang “pipe at cigar smoking” ay nakakasanhi rin ng lung cancer, datapuwat hindi ganoon kataas ang tsansa kumpara sa paninigarilyo. Kaya naman, ang tsansa ng isang taong naninigarilyo ng isang pakete ng sigarilyo sa isang araw ay may tsansang magka-lung cancer na 25 beses na mas mataas kaysa sa hindi naninigarilyo, ang “pipe at cigar smokers” naman ay may tsansa na limang beses kumpara sa hindi naninigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay naglalaman ng may apat na libong kemikal, marami sa kanila ay sinasabing “cancer-causing” o “carcinogenic”. Ang dalawang nangungunang “carcinogens” sa sigarilyo ay ang mga kemikals na tinatawag na “nitrosamines at polycyclic aromatic hydrocarbons.” Ang tsansa na magdevelop ng lung cancer ay bumababa kada taon matapos tumigil sa paninigarilyo dahil tumutubo ang normal cells kapalit ng mga napinsalang iba.

Mayroon ring tinatawag na “passive smoking”. Ang passive smoking o ang paglanghap ng usok ng tabako ng mga hindi naninigarilyo na parehong nakatira sa mga naninigarilyo, ay isa ring sanhi ng pag-dedevelop ng lung cancer.


Like any other type of cancer, lung cancer has no known exact cause. However, there are certain factors that may predispose a person to develop lung cancer. One of these is cigarette smoking and it is very important for us to know how it is related to lung cancer.

First, we have to bear in mind that the more you smoke, the more likely you are to get lung cancer, but the length of time you have been a smoker is even more important than how many cigarettes you smoke a day. Moreover, starting smoking at a young age is even more harmful than starting as an adult and stopping smoking reduces your risk of lung cancer compared to continuing to smoke. Hence, the sooner you quit, the better your health - but it's never too late. Lastly, passive smoking (breathing in other people's cigarette smoke) increases the risk of lung cancer, but it is still much less than if you smoke yourself.




Mga Sintomas, symptoms

Bagamat ang karamihan sa maagang nabubuo na lung cancer ay hindi agad makikita sa chest x-ray, sila ay karaniwang may maagang sintomas tulad ng ubo. Sa kadahilanang ito, ang anumang ubo na tumatagal ng higit sa dalawa hanggang tatlong linggo – kahit pa kasabay nito ang sipon o “bronchitis” – ay dapat na pagsuspetsahan at dapat maging maingat. Ang dugo sa plema ay isa ring maagang sintomas na dapat imbestigahan kaagad, pati na rin ang “wheezing” na maririnig tuwing humihinga. Ang mga sintomas na nagpapakita kalaunan ay ang hirap sa paghinga, pagkirot ng dibdib, lagnat, at pagpapawis sa gabi. Meron ring mga sintomas tulad ng pangmamanas ng boses, pagliit ng timbang, sakit ng ulo.


Lung cancer is considered as one of the most common and serious types of cancer. In the early stages of this disease, symptoms are not apparent, but may eventually progress and lead to a persistent cough, coughing up blood, persistent breathlessness, unexplained tiredness and weight loss and an ache or pain when breathing or coughing. Aside from these, the patient with lung cancer may also experience persistent chest infection, finger clubbing (changes in the appearance of your fingers, such as becoming more curved or their ends becoming larger) related to inadequate oxygenation, a high temperature (fever) of 38°C (100.4°F) or above, difficulty swallowing or pain when swallowing, wheezing, a hoarse voice, swelling of your face or neck and persistent chest or shoulder pain.


Gamot, Lunas o Tambal

Ikaw at ang iyong doktor ay maaaring pumili ng pamamaraan sa paggamot ng iyong kanser base sa mga rason tulad ng iyong kalusugan, klase at stage ng iyong kanser, at kung ano ang iyong gusto. Ang mga pagpipilian ay isa o iba sa mga ito – tulad ng operasyon, chemotherapy, radiation o targeted drug therapy. Sa ibang mga kaso, maaari mong piliing huwag sumailalim sa gamutan. Halimbawa, nararamdaman mong ang hindi kanais-nais na epekto ay mas mabigat kaysa sa mga mabuting epekto. Kung ganito ang sitwasyon, ang iyong doktor ay maaaring magbigay lamang ng lunas na makapag-papagaan sa mga sintomas tulad ng kirot o hirap sa paghinga nitong dala.


· Operasyon. Sa kaganapan ng operasyon, ang doktor ay tinatanggal ang lung cancer at ilang nga tissue na malusog pa. Ang mga klase ng operasyon ay ang “wedge resection”, “segmental resection”, “lobectomy”, at “pneumonectomy”.


· Chemotherapy. Ang chemotherapy ay ginagamit upang patayin ang mga cancer cells. Pwedeng gumamit ng isa o dalawa pang klase ng chemotherapy na gamot na pwedeng ibigay sa ugat o pwedeng inumin gamit ang tabletas. Pwedeng gamitin ang chemotherapy upang patayin ang cancer cells matapos ang operasyon o kaya’y paliitin ang cancer bago ito tanggalin sa operasyon. Para sa ibang mga sitwasyon, ang chemotherapy ay ginanagamit upang pagaanin ang mga sintomas na nararamdaman.


· Radiation therapy. Ito ay ang paggamit ng “high-energy beams” upang patayin ang cancer cells.


· Targeted drug therapy. Ito ay mas mga bagong pamamaraan sa paggamot ng cancer na tumatarget sa mga spesipikong abnormalidad sa cancer cells. Ang ilan sa mga ito ay ang Avastin – nagpipigil sa tumor na makagawa ng bagong daanan ng dugo, Tarceva – pinipigilan ang mga kemikal na nagsi-signal sa cancer cells na dumami at maghati-hati, Xalcori – pinipigilanang mga kemikal na nagpapatubo sa cancer cells at upang hindi sila mabuhay nang matagal.


There are several treatment options for lung cancer and are individually planned depending on the type and severity of the disease. Hence, one treatment option may not be applicable to other patients and may only yield favorable results for some patients. When a treatment option is used after the first treatment, it is called adjuvant therapy. This therapy is used to lower the risk that the cancer will come back. When a treatment is used before the main one to shrink the tumor, it is called neoadjuvant. Some of these treatments are radiation therapy, chemotherapy and targeted therapies.




Natural Cures, Home Remedies at Prevention (Mga pwede mahimo sa balay ug unsaon paglikay)

Maraming mga taong dumadanas ng lung cancer ay nagkakaroon ng hirap sa paghinga. Ang mga gamot dito tulad ng oxygen, at mga medikasyon ay nandiyan upang maging komportable ang iyong pakiramdam subalit hindi sila karaniwang sapat. Upang makasabay sa hirap sa paghinga, maaari kang:


· Sumubok na magrelax. Dahil lalo ka lang mahihirapan huminga kapag ikaw ay nag-panick, mas maiging mag-relax tulad ng pakikinig sa musika, paglaruan ang imahinasyon, o kaya’y magdasal.


· Humanap ng komportbleng posisyon.


· Magfocus sa iyong paghinga.


· Huwag aksayahin ang enerhiya. Kaya naman kung nahihirapang huminga, huwag nang gumawa pa ng gawain na nakakangalay.


Upang maiwasan ang lung cancer, bababa ang tsansang makakuha nito sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo, pagtigil sa paninigarilyo, iwasan ang mga naninigarilyo, kumain ng pagkain na maraming gulay at prutas at mag-ehersisyo ng maraming beses sa isang linggo.



About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magkakaroon po ako ng operasyon para matanggal ang isang parte ng aking baga. Paano nito maaapektuhan ang aking pamumuhay. Kakailanganin ko po bang tigilan ang paglalaro o mga sports?
1 person likes this
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang epekto ng operasyon sa baga buhat ng lung cancer sa iyong abilidad na maglaro at mag-ehersisyo ay magdedepende kung gaano kalaki ang parte ng iyong baga ang tinanggal at kung gaano kalusog ang naiwan sa iyong baga.
Ang epekto ng operasyon sa baga sa iyong pamumuhay at abilidad sa laro ay nag-iiba-iba sa bawat isang tao. Magdedepende ito ng kaunti sa kung gaano kalaki ang parte ng baga na tinanggal at kung gaano kalusog ang iyong baga bago pa ang operasyon. Kung ikaw ay naninigarilyo ngayon o noon, ang iyong baga ay maaaring sira na. Ang iyong doktor ay susuriin muna ang iyong baga bago ang operasyon upang matukoy ang sira dito. Ang doktor ay susubukang tanggalin ang lahat ng kanser, habang iniiwan ang malulusog na parte sa abot ng kanilang makakaya.
Matapos ang operasyon sa lung cancer, importanteng subukan mong ibalik ang iyong sarili sa malusog nitong estado sa lalong madaling panahon. Bago ka umuwi mula sa ospital, magtanong sa iyong doktor o “physiotherapist” kung gaano karaming ehersisyo ang kailangan mong gawin. Sa simula, importanteng dahan-dahan muna at huwag binatin ang iyong sarili.
Habang nakakabangon ka na mula sa iyong operasyon, maaari mong subukang mag-brisk walking o swimming. Ito ay makakadagdag sa lakas ng iyong kalamnan at pagiging fit. Maaari ka ring sumubok ng ibang ehersisyo tulad ng “breathing at relaxation techniques”. Panatilihing malusog ang pamumuhay sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo, pagkain ng masustansya at pag-inom ng alak sa tamang dami lamang.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nabanggit po ng doctor ang “hospice care”. Ano po ba ito?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung ikaw ay may kanser na hindi malunasan at kailangan mo ng suporta para makontrol ang sintomas, ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng “hospice care”.
Kung ikaw ay may kanser na hindi na malulunasan pa, ang “hospices” ay may malaking papel sa paghahandog sa iyo at sa iyong pamilya ng suporta. Ang “hospice care” ay nakakabuti sa iyong sintomas at kalidad ng pamumuhay. Marami ring mga “hospice” ang nag-aalok ng pangangalaga kahit hindi pa terminal ang iyong sakit. Kung ikaw ay makakabenepisyo sa “palliative care” na nakakatulong sa iyong sintomas na dinaramdam tulad ng kirot, hirap sa paghinga at pagkawala ng timbang, ay binibigay rin nila. Maaaring hindi mo kailanganin ang ganap na “hospice care” – maaaring kakailanganin mo lang bumisita sa “hospice” isang beses sa isang linggo para sa suporta at payo, o ilang araw lamang upang makontrol ang iyong sintomas.
Ang “hospice” ay nag-aalok rin sa iyo at sa iyong pamilya at mga kaibigan ng mga pagpipilian na pwede mong maging suporta. Kabilang na dito ang “counselling” o pagpapayo kung paano dadalhin ang iyong kanser pati na rin ang maaaring gawin ng iyong maiiwang kapamilya matapos kang sumaka-bilang buhay. Maaari kang makakuha ng hospice care sa mga ospital at “hospice day centers”.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Narinig kong may ilang mga bagong lunas para sa lung cancer. Paano ko malalaman na angkop sila para sa akin at paano po makakatulong sa akin?
1 person likes this
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maraming mga bagong gamot para sa lung cancer na kasalukuyang sinusuri sa mga “clinical trials”. Magtanong sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon.
Ang mga bagong lunas para sa lung cancer ay kasalukuyang sinusuri sa mga “clinical trials”. Ito ay ginagawa upang malaman kung ang mga bagong gamot ay ligtas, merong hindi magagandang epekto, ay mas maigi pa sa kasalukuyang lunas o makakatulong sa iyo upang gumanda ang iyong pakiramdam.
Ang mga “clinical trials” ay maaaring magsangkot ng kaunting pagbabago sa mga lunas na kasalukuyan nang ginagamit o maaaring magsangkot ng ganap na bagong lunas. Ang ilang “trials” o pagsubok ay naghahambing sa “standard treatment” sa isang bagong “treatment”. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapili ng lunas na iyong matatanggap – ikaw ay bibigyan ng impormasyon ukol sa dalawang lunas at ang kompyuter ang siyang pipili sa iyong matatanggap.
Isa pang klase ng “trial” ay ang “placebo-controlled trial”. Ito ay karaniwang ginagawa kapag walang magandang “standard treatment” na matatagpuan para sa iyo. Muli, isang kompyuter ang pipili kung ikaw ba ay tatanggap ng baong “experiemental medicine” o ng “dummy pill” (placebo). Pagkatapos ay titingnan ng mananaliksik kung ang isang grupo ng mga pasyente ay mas bumubuti o nagkakaroon ng mas kaunting “side-effects”. Ang isang magandang dulot ng pagsali sa “trial” ay tsansang makatanggap ng bagong lunas o maaari kang makatulong sa mga pasyente pagdating ng panahon. Ang lahat ng mga gamot na ginagamit ngayon, minsan sa isang punto ay sinuri sa isang “clinical trial”.
Magtanong sa iyong doktor kung ang mga “clinical trials” na ito ay angkop para sa iyo. Siya ay maaaring isaalang-alang ang klase at estado ng iyong kanser, anumang lunas na iyo nang natanggap, ang iyong kabuuang kalusugan at iba pang medikal na kondisyon na iyong dinaranas.
Jason Maglalang
is in the Philippines
Hello po, August 09 po nagpacheckup ako kasi po almost 1month na po ang ubo at nahihirapan ako huminga ko then binigyan po ako ng antihistamine for two weeks nawala naman po ang ubo ko.
At ngayon pong october lang nakakaramdam po ako ng backpain possible po bang symptoms na to ng lung cancer? Natatakot po kasi ako. Thanks
Emelyn Tumbaga
is in the Philippines
Upo matagal npo..kaya lng hnd po agad ito natuklasan ng nkkrmi. Itoy gling sa taas likha nya kya ito ang sagot. Sa pnalangin nting lahat ito ang Puno ng guyabano kung meron kyo nito gagaling kyo ng walang gastos,, e research nyo nlng po. Ang guyabano gamot saa canser, para malamannyo ang procedure ..God bless po
Dhang Atienza
is in the Philippines
ang "bukol" po ba sa baga ay cancer na? nakakahawa po ba ito?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.