Ang Leukemia at ang Iba pang Cancer ng Dugo
Itinatayang kada apat na minuto, isang tao sa United States ang nada-diagnose na may cancer sa dugo. May tatlong klase ng cancer sa dugo. Ito ay ang leukemia (lukemya) – isang cancer na matatagpuan sa dugo at bone marrow, na ang dahilan ay ang mabilis na produksyon ng white blood cells. Ang ikalawang klase ay ang lymphoma. Ito ay blood cancer na umaapekto sa “lymphatic system”. Ang lymphatic system ang responsable sa pagdadala palabas sa katawan ng mga dumi at napo-produce din ito ng immune cells. Pagdating ng panahon, ang cancerous cells na ito ay nagpapahina sa iyong immune system. Ang ikatlong klase ng blood cancer ay ang myeloma o cancer sa dugo na specific lamang sa pag-target sa mga plasma cells. Ang plasma cells ay white blood cells na nagpo-produce ng disease at infection-fighting antibodies. Sa kabilang banda, isang milyong Americano ang namumuhay kasama ang may remission mula sa leukemia, lymphoma o myeloma. Ang leukemia ang ikasampu sa pinaka-karaniwang klase ng cancer sa lahat ng races o etniko sa mundo. Sa loob ng mahigit-kumulang bawat sampung minuto, may namamatay sa US mula sa blood cancer. Ang leukemia rin ang dahilan ng halos 1/3 ng cancer deaths sa mga bata mula edad 15 taon pababa.Ang edad ang pinakamalaking factor sa pagdevelop ng myeloma. Ang mga taong may edad 45 pababa ay hindi masyadong nakakakuha ng ganitong sakit, ngunit iyong 67 pataas ay mas mataas ang tsansang makuha ang sakit. Mas maraming lalaki kumapara sa mga babae ang diagnosed na may leukemia at mga lalaki ang karaniwang namamatay dahil dito.
Sanhi at Transmission
Dahil maraming klase ang cancer sa dugo, tutukuyin lang muna natin ang tungkol sa leukemia. Ang mga scientists ay hindi alam kung ano ang eksaktong dahilan ng leukemia subalit may hypothesis sila na ito ay nagdedevelop mula sa genetic at environmental factors. Sa kabuuan, ang leukemia ay pinaniniwalaang nagsisimula nang ilan sa mga cells ng dugo ay may mutations sa kanilang DNA – ito ay ang “instructions” sa loob ng cells kung tawagin na nagsisilbing gabay kung ano ang mga dapat nitong gawin. May ilang abnormalities kung bakit nagiging abnormal ang paglaki at pagdami ng cells at ang ibang cells ay nanatiling buhay imbes na meron lamang silang lifespan. Dahil hindi namamatay ang mga cells na ito, sa paglipas ng panahon, itong mga abnormal cells ay nagkukumpol-kumpol sa bone marrow at nagdudulot ng mas kaunting malulusog na cells. Ito ang dahilan kung saan ang sintomas ng leukemia ay unti-unting lumalabas. Mayroon ring mga classification ng leukemia. Base sa bilis nitong magdevelope, mayroong acute at chronic leukemia. Base sa kung anong white blood cell ang apektado, maroon lymphocytic at myelogenous leukemia o lukemya. At kapag pinagsama-sama ang mga klase, ang resulta ay: Acute Lymphocytic Leukemia (ALL), Acute Myelogenous Leukemia (AML), Chronic Lymphocytic Leukemia (CLL), Chronic Myelogenous Leukemia (CML).
Leukemia, like all forms of cancer, is thought to be a result of genetic mutation. Risk factors that can predispose a person to acquire this condition include previous chemotherapy or radiation therapy, exposure to high doses of radiation or to benzene (found in unleaded gasoline, tobacco smoke, chemical production facilities), family history, genetic abnormality, such as an abnormality on chromosome 22 (also known as the Philadelphia chromosome) and genetic disorders, such as Down syndrome and Fanconi anemia.
Sintomas
Ang leukemia ay may sintomas na nag-iiba-iba depende sa klase ng leukemia. Subalit heto ang mga karaniwang sintomas: lagnat o panginginig, palagiang panghihina at fatigue, palagiang pagkakaroon ng infection, madaling pagkawala ng timbang, swollen na lymph nodes, malaking atay o spleen, madaling nasusugatan o nagdurugo ang gilagid, may maliliit na red spots sa balat, palaging pinagpapawisan lalo na sa gabi at masakit na mga buto o tenderness, walang ganang kumain.
Symptoms of leukemia do not appear in the early stages of the disease. Usually, the symptoms develop slowly. Compared to chronic types of leukemia, acute myeloid leukemia (AML) and acute lymphocytic leukemia (ALL) progress much faster and symptoms may worsen more quickly. Sometimes, manifestations of leukemia resemble flu-like symptoms such as night sweats, fever, fatigue and achiness. Aside from these, the patient may also experience loss of appetite, weight loss, bone/joint pain, abdominal discomfort, headaches, shortness of breath, frequent infections, easy bruising or bleeding and petechiae (small red spots under the skin). Blood components may also significantly lower, causing anemia (low red blood cell count), leukopenia (low white blood cell count) and thrombocytopenia (low blood platelet count).
Lunas at gamot
Ang lunas para sa leukemia ay nagde-depende sa maraming factors. Ang doctor ang tumutukoy kung anong treatment option ang nababagay para sa iyong edad, klase ng leukemia, at kung ito ba ay lumaganap sa ibang parte ng katawan. Ang mga karaniwang lunas para sa leukemia ay chemotherapy. Ito ang pinakamabisang gamot para sa leukemia. Ang gamot na ito ay gumagamit ng chemicals sa pagpatay ng leukemia cells. Mayroon ring radiation therapy na gumagamit ng radiation sa pagdamage ng leukemia cells. At mayroong stem cell transplant. Ito ay isang procedure kung saan ang iyong bone marrow na may sakit ay pinapalitan ng isang malusog na bone marrow. Bago ang stem cell transplant, makakatanggap muna ang pasyente ng high doses ng chemotherapy o radiation therapy para masira ang diseased na bone marrow. At saka pa bibigyan ang may sakit ng infusion ng blood-forming na stem cells para tulungang ma-rebuild ang bone marrow.
With advancement in technology, several treatment options became available to cure and manage the symptoms of leukemia. Chemotherapy is the main treatment for many types of leukemia. However, stem cell transplant is also utilized for patients below 55 years old. Aside from this, radiation therapy is most often used to treat or prevent spread to the central nervous system and to prepare for stem cell transplant.
Side effects and discomfort associated with these therapies should also be managed. For example, home treatment for nausea and vomiting includes watching for and treating early signs of dehydration, such as a dry mouth or feeling lightheaded when you stand up. Eating smaller meals may help. A little bit of ginger candy or ginger tea can help too. As an adjunct to conventional treatment, lifestyle changes to prevent bleeding, to boost the immune system and to meet the energy requirements are also necessary.
Home Remedies at Prevention o paano maiwasan
Walang naitatalang prevention sa leukemia dahil bigla na lamang itong lumalabas sa katawan. Ngunit may mga support group para sa may leukemia o lukemya ang naglalabasan sa ngayon. Ang mga support groups ay nagbibigay ng information ukol sa leukemia, nagpapalapit sa mga kaibigan at mga kapamilya ng may sakit at nagbibigay ng mga counseling.