Ano po mabisang paraan para matanggal o mawala yung stretchmarks? Nakakahiya

Zay A
is in the Philippines Medical History

Ano po mabisang paraan para matanggal o mawala ung stretchmarks? Nakakahiya minsan pag nakikita nila yung strechmarks lalo na sa hita tsaka binti! Manas kasi binti ko nung nagbubuntis ako tas makati, kaya ngayon dami ko tuloy strechmarks!!!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Buhay OFW
is a Medical expert in Israel
Ang stretch marks ay mga nakikitang guhit-guhit na linya sa balat na may kakaibang kulay. Kadalasan nakikita ang mga stretchmarks sa may bandang tiyan, pero puwede rin ito makita sa may hita, braso, bandang puwet o dibdib.
Kapag biglaan ang paglaki ng ating katawan at balat, maaaring maging sanhi ito na ang mga elastic fibers sa ating balat ay masira, na nagdudulot ng mga stretch marks
Bagamat kadalasan ang pagbubuntis ang nagiging dahilan ng stretch marks, may mga iba rin mga dahilan o sanhi tulad ng biglaang pagtaas o pagbaba ng timbang, biglang paglaki, pagiiba ng katawan, stress o pwede ring namamana lamang ito sa mga magulang.
Kadalasan nag-fade, o unti-unti lumalabo ang kulay ng stretch marks ng kusa, pero mayroon mga nananatiling maitim pa rin ang kulay kahit tumagal. Ayon sa mga experto, pinaka-mabuti na gamutin ang mga stretch marks habang mamula-mula pa ang itsura nito (reddish stage).
Maaaring sumangguni sa dermatologist upang ma-prescribe ka ng gamot (tulad ng retinoid na tumutulong sa collagen growth) o mabigyan ng advice kung papano makatulong mag-lumabo/fade ang kulay ng stretch marks.
May mga sinasabing natural o home remedies rin na maaaring makakatulong upang mabawasan ang nakikitang stretch marks.
1. Egg whites – Mayaman sa protina/proteins at amino acids ang putting parte ng itlog o egg whites. Ibati ang egg white (huwag isama ang yolk o pula ng itlog) gamit ng tinidor, at ipahid sa lugar kung saan may stretch marks. Ipatuyo at hugasan ng tubig pagkatapos. Gawin ito araw-araw ng mga 1-2 linggo.
2. Calamansi o lemon juice – Natural na acidic ang calamansi na maaaring makatulong mabawasan ang mga stretch marks at ibang peklat. Ipahid ng paikot-ikot ang pinigang kalamansi juice sa lugar kung saan may stretch marks. Pabayaang mababad at masipsip ang calamansi ng mga 10 minuto bago ito hugasan ng maligamgam na tubig.
3. Asukal na puti o white sugar – Nakakatulong ang asukal na puti sa pag-tuklap (exfoliate) ng ating balat. Haluan ang isang kutsarang asukal ng konting patak ng kalamansi at mantika. Ipahid sa stretch marks bago maligo. Kadalasan kinakailangan ng mga 1 buwan bago makakita ng resulta.
1 person likes this
Zay A
is in the Philippines Medical History
Salamat po doc sa sagot! Kala ko po wala ng papansin sa tanong ko. Subukan ko yang sinabi nyo sakin. Isa pa doc CS po kasi ako lagi po sumAsakit ung ulo ko nitong nagdaang araw. Para pong pinupokpok ung ulo ko sa sakit.
May Gablinez
is in United States
meron din gadget for this pero it was around 21.5K

About the author

Dr. Buhay OFW

Doctor Buhay statements are prepared by medical experts of BuhayOFW.
Profession: General Medicine
Medical expert consensus
Office Address: Philippines
Israel , Manila , Mandaluyong City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.