Paano magtanggal ng Blackheads at Whiteheads sa mukha? Ano gamot o lunas?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kilala mo ba ang blackheads? / Kaila ba ka unsay “blackheads” ug “whiteheads”?

Malimit nababato tayo sa tuwing titingin sa umuusling maiitim at mapuputing maliliit na bagay sa ating mukha. Pangit kasi itong tingnan kaya naman gusto natin itong mawala agad-agad. Milyon-milyon ang nagkakaroon nito sa mundo at may hindi magandang dulot sa tiwala sa sarili ng mga biktima. Kaya naman naitatanong natin sa sarili, ano ba ang mga taghiyawat na may itim na ulo o pekas (blackheads) at taghiyawat na may puting ulo (whiteheads) sa balat ng muka? Ang pekas ay maliit at maitim na mga lugar sa mukha na dulot ng pagkabara ng mga butas na inuusbungan ng “follicle” o hibla ng buhok. Sila ang unang yugto ng pagkakaroon ng taghiyawat at nabubuo kapag ang “bacteria” ay pumapasok sa butas ng balat. Ang “whiteheads” naman ay nagbarang mga “bacteria” sa butas ng balat at hindi na makalabas. Ang pekas naman ay bukas ang butas kung saan pumapasok ang hangin. Ang “sebum” na siyang nagpapadulas sa balat ay naglalaman ng maitim na bagay at siyang nagbibigay sa pekas ng kulay nitong itim.

Ano ang salarin sa pagkakaroon ng pekas at whiteheads? / Unsa ang sad-an nganong naay blackheads ug whiteheads?

Ang mga pekas at whiteheads ay koleksyon ng mantika at patay na balat na natitipon sa folikula ng buhok (hair follicle). Nagbabara sila doon at hindi na nakakalabas pa at nagsasanhi ng paglala ng pekas. Ang proseso ng “oxidation” o ang prosesong kemikal na nangyayari kapag nahahalo ang “oxygen” sa ibang kemikal ang sanhi ng blackheads na mangitim ang mga ito. Ang paghuhugas at pag-iis-is sa balat ay maaaring makalubha nito dahil naiirita nito ang balat. Ang paghawak at pagtiris rin sa pekas ay nagsasanhi ng iritasyon at impeksyon.


Mga gawaing hindi natin alam na nagpapalubha ng pekas at whiteheasds. / Mga sayop nga gabuhaton nato sa atong blackheads ug whiteheads.

Bakit ba patuloy na dumarami ang aking pekas? Ito ang naitatanong natin sa sarili at narito ang ilan sa maaaring dahilan. Kapag nalalagyan mo ng presyur ang balat sa mukha, nagiging dahilan ito ng baradong pores o butas sa mukha. Ang simpleng paghawak sa iyong mukha at pagsuot ng masikip na damit ay hindi dapat gawin. Kung susumahin, dapat ilayo mo na lamang ang iyong kamay sa iyong mukha. Ang sunod na pagkakamali ay ang pagsusuot natin ng kung anu-anong abubot sa katawan. Kapag hindi malinis ang mga gilid halimbawa ng iyong salamin o sumbrero, ang dumi mula sa gamit ay ganap na magbibigay sa’yo ng pekas. Kung gusto mong parati kang nakasuot ng abubot, siguraduhing malinis ang mga ito. Ang ikatlong mali nating ginagawa ang sobrang pagpapawis. Hindi natin nakokotrol ito subalit kailangan na kapag pinagpapawisan ay agad nating linisin ang mukha gamit ang tubig. Maaari ring gumamit ng pamunas kung hindi pa agad-agad na makapag-hilamos. At ang huling wala tayong malay na nagdadala ng problema ay ang mga produktong ginagamit natin para sa buhok. Sila ang nagdudulot ng bara sa mga “pores” ng balat at kung ang ating buhok ay dumadampi sa ating mukha, napapasa sa mukha ang mantika at mga dumi mula dito. Kaya naman kung marami kang pekas ay huwag hayaang pumunta ang iyong buhok sa mukha.


Mga natural na paraan ng pagtanggal ng pekas at whiteheads. / Mga natural nga pamaagi sa pagkuha sa blackheads ug whiteheads.

Hindi naman ganoon kahalata ang pekas sa malayo ngunit gusto mo silang tanggalin dahil nakakainis silang tingnan. Gusto mo silang mawala na ng tuluyan. Narito ang ilang natural na pwedeng gawin upang mawala ang mga pekas. Gawing parte ng iyong lingguhang ginagawa ang tinatawag na “exfoliation at microdermbrasion”. Maaari kang gumamit ng baking soda at tubig o lemon juice at asukal para dito. Ihalo lamang ang dalawang sangkap at ilinis sa mukha at banlawan ang mukha ng tubig. Pwede ring gumamit ng pulot ng bubuyog. Maaaring itapik ang pulot sa mukha at patuyuin ito. Kapag natuyo na, ay pwede nang tanggalin ang nanigas na pulot sa mukha. Ganito rin ang pamamaraan sa paggamit ng puti ng itlog sa pagtanggal ng pekas. At kapag nabigo sa lahat ng naunang mga paraan, saka pa lamang gawin ang paggamit ng sipilyo at lemon juice sa pag-is-is sa mga pekas. Paikot dapat ang pag-is-is nito sa mukha at pagkatapos ay banlawan ng tubig. Dahan-dahanin lamang ang lahat ng proseso na nandito.


Babalik at babalik ang mga pekas. / Mubalik jud ang blakheads maski unsaon.


Kapag walang maayos na paggamot, babalik at babalik ang mga pekas. Maaaring naranasan mo ang maraming lunas para sa pekas. Subalit, kailangan mo talagang gumamit ng wastong panglinis at moisturizer sa mukha upang mapanatiling malinis ang “hair follicles” ng mukha.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.